EPEKTO NG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA PAGKATUTO SA ASIGNATURANG MATEMATIKA NG MGA PILING MAG-AARAL NG IKAPITONG BAITANG SA BAGUMBONG HIGH SCHOOL

Authors

  • Lanie Dioso
  • Mary Joyce Buenaobra
  • Ana Cris Cardiño
  • Maria Bernadeth Song
  • Ma Francel Torrero
  • Dominic Vizmanos
  • Dominador J. Rilon Jr., Maed

Keywords:

wikang filipino, asignaturang matematika, wikang panturo

Abstract

Ang wika ay simbolo at pagkakakilanlan ng isang bansa. Ito ay isang instrumento sa pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita. Ayon sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6, "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika." Dagdag pa rito, sa Artikulo XIV, Seksyon 7, bukod sa Filipino, Ingles ang maaaring gamitin sa komunikasyon at edukasyon. Ang Matematika ay isa sa pinakamahirap na asignatura ayon sa ebalwasyon ng "PISA" o Programme for International Student Assessment, kung saan ang mga lumahok na mag-aaral ay nakakuha ng 353 puntos, higit na mas mababa kaysa sa normal na 489 puntos. Ginamit sa pag-aaral na ito ang eksperimental na metodo ng pananaliksik. Ang instrumentong "Pre-test and Post-test" ay ginamit sa pangangalap ng kinakailangang datos. Apatnapung (40) respondente ang lumahok, kung saan dalawampu (20) ang kabilang sa eksperimental na pangkat at dalawampu (20) rin sa kontroladong pangkat. Ang pagpili ng mga respondente ay isinagawa gamit ang "Cluster Random Sampling." Samantala, ginamit ang "Independent T-test" upang matukoy ang makabuluhang pagkakaiba sa mga datos na pinagkukumpara. Sa panapos na pagsusulit ng kontrolado at eksperimental na pangkat, nakuha ang T-Value na 0.59, na nasa loob ng Critical Value na -2.0244 at 2.0244. Ipinapakita nito na walang makabuluhang pagkakaiba sa marka ng dalawang pangkat. Samantala, sa pauna at panapos na pagsusulit ng eksperimental na pangkat, nakuha ang T-Value na 0.76, na nasa loob ng Critical Value na -1.6860 at 1.6860. Ito ay nagpapahiwatig na walang makabuluhang pagkakaiba sa pauna at panapos na pagsusulit ng eksperimental na pangkat. Ang wika ay may malaking gampanin sa edukasyon. Ang paggamit ng tamang wika sa pagtuturo ay nakakatulong sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng Wikang Filipino sa talakayan ay maaaring mapadali ang pag-unawa, ngunit may mga asignatura, tulad ng Matematika, na may mga terminong walang eksaktong katumbas sa Filipino. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagiging mahirap ang paglalapat ng wikang Filipino sa ilang larangan ng pag-aaral.

Published

2026-01-13

How to Cite

EPEKTO NG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA PAGKATUTO SA ASIGNATURANG MATEMATIKA NG MGA PILING MAG-AARAL NG IKAPITONG BAITANG SA BAGUMBONG HIGH SCHOOL. (2026). Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 6(1). https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/16897

Most read articles by the same author(s)

1 2 > >>