EPEKTO NG PAGGAMIT NG SALITANG BALBAL SA PKIKIPAGTALASTASAN SA MGA PILING MAG-AARAL NG MEDYOR SA FILIPINO

Authors

  • Ryan Sacare
  • Hannah Faye Abon
  • Roselyn Natalio
  • Clarissa Pillos
  • Angel Silarde
  • Cristine Mae Tabanao
  • J. Rilon Jr., Maed, Lpt

Keywords:

balbal, talastasan, pormal na wika, impormal na wika

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay-pokus sa epekto ng paggamit ng salitang balbal sa pakikipagtalastasan ng mga piling mag-aaral ng medyor sa Filipino. Layunin nitong suriin ang mga dahilan, suliranin, at epekto ng paggamit ng salitang balbal. Sa pamamagitan nito, inaasahang mabibigyang-kaalaman ang mga mambabasa at mapalalim ang kanilang kamalayan sa mga suliraning kinakaharap ng Wikang Filipino. Ginamit ng mga mananaliksik ang kwantitatibo at deskriptibong metodolohiya upang masuri ang paksa nang masusing paraan. Isinagawa ang simple random sampling at ginamit ang talatanungan upang makuha ang kinakailangang datos mula sa 60 respondente na nasa ikatlong antas ng kolehiyo sa kursong Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino. Natuklasan sa pag-aaral na may iba’t ibang dahilan, suliranin, at epekto ang paggamit ng salitang balbal sa pakikipagtalastasan, batay sa datos na nakalap mula sa mga respondente. Tinalakay sa pananaliksik na ito ang kahalagahan ng balanseng paggamit ng balbal at pormal na wika upang maiwasan ang mga suliraning kinakaharap ng Wikang Filipino sa larangan ng komunikasyon.

Published

2026-01-13

How to Cite

EPEKTO NG PAGGAMIT NG SALITANG BALBAL SA PKIKIPAGTALASTASAN SA MGA PILING MAG-AARAL NG MEDYOR SA FILIPINO. (2026). Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 6(1). https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/16896

Most read articles by the same author(s)

1 2 > >>