EPEKTO NG PAGPAPALIT KODA SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MAG-AARAL SA IKATLONG TAON NG BATSILYER SA SEKONDARYA MEDYOR SA FILIPINO NG BESTLINK COLLEGE OF THE PHILIPPINES

Authors

  • Shiel Vera Marie Alfonso
  • Jennifer Barcenal
  • Katherine Del Mundo
  • Janine Rose Gotot
  • Anna Marie Pena
  • Dominador J. Rilon Jr. Lpt Maed

Keywords:

pagpapalit koda, akademikong pagganap ng mag-aaral, epekto.

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay sinusuri ang epekto ng pagpapalit koda sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Batsilyer sa Sekondarya Medyor sa Filipino ng Bestlink College of the Philippines taong 2023. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan upang suriin ang iba’t ibang baryabol. Sa pagtukoy ng sample size mula sa kabuuang populasyon na 151, ginamit ang Slovin’s Formula na may 5% margin of error, kaya’t nagresulta ito sa 110 na sample size. Ang pagpili ng kalahok ay isinagawa gamit ang simple random sampling technique upang matiyak ang pantay na pagkakataon ng bawat mag-aaral na mapili. Ang instrumentong ginamit upang alamin ang epekto ng pagpapalit koda sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ay talatanungan. Para sa pagsusuring estadistikal, ginamit ang distribusyon ng bahagdan, katumbas na bigat, at ranggo. Ang may pinakamataas na bilang ng respondente ayon sa edad ay nasa saklaw na "21-23 taong gulang" na may 63%. Babae ang may pinakamaraming kalahok sa pag-aaral na may 88%. Ang "Nagiging hadlang sa pag-unawa" ay may katumbas na bigat na 3.35 at nangunguna bilang pangunahing dahilan ng pagpapalit koda dahil sa kakulangan sa bokabularyo. Sa aspeto ng pagpapahayag, nanguna ang "Malayang nakapagpapahayag ng sariling opinyon at saloobin" na may bigat na 3.51. Samantala, ang pangunahing dahilan ng pagpapalit koda ayon sa retensyon ay "Mas naaalala ang mga tinalakay" at "Mas nagiging aktibo sa pakikiisa sa pagkatuto" na may parehong bigat na 3.38. Ang positibong epekto ng pagpapalit koda ay "Napapadali ang pagkatuto sa mga talakayan" na may bigat na 3.53, samantalang ang negatibong epekto ay "Nagkakaroon ng maling pag-interpreta sa talakayan" na may bigat na 3.30. Sa kabuuan, habang patuloy na umuunlad ang edukasyon, lumilitaw ang iba’t ibang pamamaraan upang mapabuti ang kasanayan sa pagtuturo ng mga guro at akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ang pagpapalit koda sa loob ng silid-aralan ay may malaking ambag sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto, na maaaring makatulong o maging hadlang sa akademikong pagganap depende sa paraan ng paggamit nito.

Published

2026-01-13

How to Cite

EPEKTO NG PAGPAPALIT KODA SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MAG-AARAL SA IKATLONG TAON NG BATSILYER SA SEKONDARYA MEDYOR SA FILIPINO NG BESTLINK COLLEGE OF THE PHILIPPINES. (2026). Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 6(1). https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/16898

Most read articles by the same author(s)

1 2 > >>