EPEKTO SA PAGGAMIT NG GOOGLE MEET BILANG INSTRUMENTO SA PAGKATUTO NG IKAAPAT NA TAON MEDYOR SA FILIPINO SA BESTLINK COLLEGE OF THE PHILIPPINES

Authors

  • Hizel Lamarca
  • Reynalyn Genteliso
  • Jv Angel Mastrili
  • Princess Monique Padilla
  • Dominador J. Rilon Jr. Lpt Maed

Keywords:

online platform, teknolohiya, bidyo-kumperensya, google meet, online learning, modern education

Abstract

Nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman ang karanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Google Meet sa panahon ng pandemya hanggang ngayon. Sa paglaganap ng pandemya na tinawag na Covid-19, naglabas ng Memorandum Order No. 04 ang CHED Series of 2020 kung saan ang Google Meet ang naging instrumento sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa loob ng dalawang taon. Kaya ang pag-aaral na ito ay layuning malaman kung ito ba ay naging epektibong instrumento sa pagkatuto kahit nasa loob lamang ng tahanan. Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay gumamit ng convenience sampling technique sa pagkuha ng datos na may quota na limampung (50) kalahok na mag-aaral mula sa ikaapat na taon ng Batsilyer ng Pangsekondaryang Edukasyon, medyor sa Filipino, sa Bestlink College of the Philippines, na kung saan sila ang tumugon sa mga inihandang talatanungan ng mga mananaliksik. Para sa naging resulta ng pananaliksik, ang mga datos ay malinaw na ipinapahayag sa pamamagitan ng talahanayan. Ang mga datos ay inayos at sinuri gamit ang mga angkop na instrumentong pang-istatistika, na naging dahilan upang malaman ang naging weighted mean at bahagdan sa bawat hamon na naranasan ng bawat mag-aaral sa paggamit ng Google Meet. Matapat na isinaayos ng mga mananaliksik ang mga datos upang maging batayan sa mga impormasyong natural na lumabas sa isinagawang sarbey hinggil sa paggamit ng Google Meet bilang instrumento sa pagkatuto. Ang mga hamon sa paggamit ng Google Meet sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay nagpapakita ng mga bahagdan ng mga respondente. Ang konklusyon naman ay nagmula sa mga kaisipan ng mga mananaliksik batay sa mga nakalap at natuklasang impormasyon na nakatala sa bawat kabanata. Ang paggamit ng Google Meet sa panahon ng pandemya ay naging isang malaking hamon para sa mga guro at mag-aaral, tulad ng mga isyung kaugnay ng internet connection, mga specs ng gadgets, kapaligiran, at pinansyal na aspeto. Subalit, malaki rin ang naging ambag nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat naituloy nila ang kanilang pag-aaral sa gitna ng kasagsagan ng pandemya. Ang ginawang pananaliksik na may paksang "Epekto sa Paggamit ng Google Meet Bilang Instrumento ng Pagkatuto ng Ikaapat na Taon, Medyor sa Filipino sa Bestlink College of the Philippines" ay malaking tulong para sa mga susunod na mananaliksik. Ito ay magbibigay ng kaalaman upang mapalawak ang pag-aaral tungkol sa paggamit ng Google Meet na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral at upang malaman pa ang iba't ibang hamon na kinahaharap ng mga mag-aaral.

Published

2026-01-13

How to Cite

EPEKTO SA PAGGAMIT NG GOOGLE MEET BILANG INSTRUMENTO SA PAGKATUTO NG IKAAPAT NA TAON MEDYOR SA FILIPINO SA BESTLINK COLLEGE OF THE PHILIPPINES. (2026). Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 6(1). https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/16900

Most read articles by the same author(s)

1 2 > >>