DANAS NG MGA MAG-AARAL SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO SA BATSILYER NG SEKONDARYANG EDUKASYON MEDYOR SA FILIPINO

Authors

  • Joan Luya
  • Jerson Angala
  • Jasmine Joy Centeno
  • Jessanie Docena
  • Judith Ramirez
  • Ma Kristel Razon
  • Dominador J. Rilon Jr.

Keywords:

karanasan sa pagkatuto, asignaturang filipino, deskriptibong pamamaraan, simple random sampling, mag-aaral ng bestlink college of the philippines, kasanayan sa wika, akademikong pagganap, pagpapahalaga, pag-uugaly, pagtatalakay, kakayahan

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin at maunawaan ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng kanilang mga hamon, pananaw, at estratehiya sa pag-aaral, layunin nitong makabuo ng isang gabay na maaaring makatulong sa pagpapabuti ng kanilang karanasan sa pag-aaral. Ang gabay na ito ay magsisilbing suporta sa mga mag-aaral, guro, at tagapamahala ng edukasyon upang mapalakas ang epektibong pagtuturo at pagkatuto ng Filipino. Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan at simple random sampling technique. Sa pamamagitan ng fishbowl method, ang mga mananaliksik ay pumili ng animnaput isa (61) na mag-aaral mula sa ikalawang taon ng BSED medyor sa Filipino sa College of Teacher Education ng Bestlink College of the Philippines. Ang mga mag-aaral na ito ang naging mga kalahok at tumugon sa mga inihandang talatanungan ng mga mananaliksik. Sa pag-aaral na ito, ayon sa edad, ang pinakamataas na porsyento ng mga respondente ay mula sa pangkat na may edad 18-21 taong gulang, na mayroong 78.6% na bahagi. Sa kasarian naman, ang mga kababaihan ang pinakamarami, na mayroong 62.2% na bahagi sa mga tumugon sa talatanungan.  Sa karanasan batay sa wika o lenggwahe, ang nangungunang aspeto ay ang maayos na paggamit ng wikang Filipino sa pag-aaral at pagbabahagi ng saloobin o opinyon, na may katamtamang bigat na 4.21 at interpretasyong "lubos na sumasang-ayon."  Para naman sa karanasan batay sa aktibidad, ang nangunguna ay ang pagpapamalas ng mga kakayahan sa paggawa ng mga gawain, na may katamtamang bigat na 4.29 at interpretasyong "lubos na sumasang-ayon."  Sa karanasan batay sa akademikong pagganap, ang pinakamataas na ranggo ay ang pagkakaroon ng malawak na pag-unawa mula sa asignaturang Filipino, na may katamtamang bigat na 4.32 at interpretasyong "lubos na sumasang-ayon."  Sa aspeto ng interes, nakakuha ito ng katamtamang bigat na 4.16 at interpretasyong "sumasang-ayon."  Sa pag-uugali, ang nakuhang bigat ay 4.34, na may interpretasyong "lubos na sumasang-ayon."  Sa pagpapahalaga, mayroong katamtamang bigat na 4.67 at interpretasyong "lubos na sumasang-ayon."  Batay sa kakayahan, nakakuha ng katamtamang bigat na 4.54 at interpretasyong "lubos na sumasang-ayon."  Sa pagbibigay palugit, mayroong katamtamang bigat na 4.47 at interpretasyong "lubos na sumasang-ayon."  At sa pagtatalakay, nakakuha ng katamtamang bigat na 4.67 at interpretasyong "lubos na sumasang-ayon." Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay para sa mga mag-aaral ng Bestlink College of the Philippines at para na rin sa mga mananaliksik sa hinaharap. Layunin nitong mapabuti ang karanasan sa pagkatuto ng asignaturang Filipino, pati na rin matulungan ang mga guro at tagapamahala ng paaralan na maiakma ang mga estratehiya at pamamaraan sa pagtuturo upang mapalawak at mapabuti pa ang karanasan ng mga mag-aaral sa asignaturang ito.

Published

2026-01-13

How to Cite

DANAS NG MGA MAG-AARAL SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO SA BATSILYER NG SEKONDARYANG EDUKASYON MEDYOR SA FILIPINO. (2026). Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 6(1). https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/16810

Most read articles by the same author(s)

1 2 > >>