Epekto ng Online Gaming sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa Ika-12 Baitang ng Bestlink College of the Philippines T.P. 2019–2020

Authors

  • Jaica Lynn Collante
  • Charie Folloso
  • Jevin Rey Donasco
  • Marck Kevin Paz
  • Ma Amalia Bantillo
  • Marlo Toyco

Keywords:

online gaming, epekto, mag-aaral, akademikong pagganap, gabay

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang epekto ng online gaming sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang ng Bestlink College of the Philippine, Taong Panuruang 2019–2020 upang mabigyan ang mga mag-aaral ng sapat na kaalaman at gabay kung paano maibabalanse ang pag-aaral at paglalaro ng online games.Ang adhikain ng pag-aaral na ito ay mapahalagahan ang akademikong paggaanap ng mga mag-aaral at mapaunlad pa ito.Ang mga mananaliksik ay nakipag-ugnayan sa pamunuan ng STEM Strand upang makapagsagawa ng kinakailangang sarbey samag mag-aaral saika-12 baitang sa Bestlink College of the Philippines. Ang mga ginamit na paraan sa pananaliksik na ito upang makakalap ng mga impormasyon na hinahanap ay talatanungan at pakikipanayam na lalong nakatulong sa isinigawang pananaliksik. Quantitative analysis ang ginamit upang bigyang ranggo ang mga kasagutan. Ang naging kinalabasan ng pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral, mga guro, mga magulang, administrator, at sa mga susunod mananaliksik at mambabasa upang mabigyan sila ng kaalaman at impormasyon tungkol sa epekto ng paglalaro ng online games sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ang karaniwang dahilan ng pagkahilig sa online gaming ay pag-aaaya ng mga kaibigan/kamag-aral. Ang suliranin sa hindi wastong paggamit ng online gamesay nakararamdam ng pagkabagot sa klase. Nakaaapekto ang online gaming sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral na naging dahilan sa pagiging aktibo sa mga aktibidad sa klase. Sa pagbuo ng isang gabay, kinakailangang matutunan kung paano mababalanse ang oras sa paglalaro ng online gamesat pag-aaral. Ang pagkakaroon ng maayos at masistemang paghahati ng oras ng mga mag-aaral ay kinakailangan upang magampanan ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral. Kinakailangang maging bukas ang isipan ng bawatisa tungkol sa isyung ito lalo na ang mga magulang at mga guro na siyang gagabay sa mga mag-aaral tungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap.

Published

2020-04-01

How to Cite

Collante, J. L. ., Folloso, C. ., Donasco, J. R. ., Paz, M. K. ., Bantillo, M. A. ., & Toyco, M. . (2020). Epekto ng Online Gaming sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa Ika-12 Baitang ng Bestlink College of the Philippines T.P. 2019–2020. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 2(1). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/1486

Similar Articles

<< < 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 > >> 

You may also start an advanced similarity search for this article.