Sanhi at Bungan ng mga “Out of School Youth” sa Brgy. Pasong Putik Proper, Lungsod Quezon

Authors

  • J. Pareja
  • M. Rebudal
  • A.F. Sansaet
  • R. Valenzona
  • Amelia S. Ablen Ph.D

Keywords:

out of school youth

Abstract

Ang edukasyon ay isang napakahalagang pamana ng ating mga magulang na hindi mananakaw ninuman. Ang bawat kabataan ay may karapatang makapag-aral. Ngunit mayroong mga kabataang hindi nakapag-aaral. Sa pananaliksik na ito, natuklasan namin kung ano-ano ang sanhi at epekto ng mga “out of school youth” sa Brgy. Pasong Putik Proper, Lungsod Quezon. Ang ginawang pag-aaral ay gagamit ng disenyong deskriptibo na pinag-aaralan ang mga kasalukuyang problema at mga importante sa tao. Ang kwantitatibong pag-aaral ay paggamit ng istadistikal na pamamaraan ng pagkalap at pag-unawa sa panlipunang penomina. Dito, isinasagawa ang pangangalap ng datos gamit ang surbey sa pamamagitan ng mgatalatanungan. Mas maraming kalalakihan ang naging respondente sa pananaliksik na nasa edad 23-29. Ang sanhi ng mga kabataang hindi nakapag-aral ay ang kakulangan sa pinansyal at ang kahirapan sa buhay. At ang epekto ng pagiging out of school youth ng isang kabataan ay pagkalulong sa bisyo. Ang resulta ng pag-aaral ay pagbuo ng seminartungkolsakahalagahanngpag-aaralsamgamagulangatmgakabataan. Pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa Alternative Learning System o ALS. Ang pag-aaral ay tumatalakay sa mga sanhi at bunga ng mga kabataang hindi nakapag-aral. Maaari rin itong maging kasangkapan para malaman ng nasabing barangay ang bilang ng mga kabataang hindi nakapag-aaral sa kanilang lugar at magbigay ng agarang solusyon tulad ng pagdadagdag ng mga trabaho sa mga magulang, seminar ng mga magulang at ng mga kabataan, at pagpapalawig sa ALS o Alternative Learning System.

Published

2019-04-01

How to Cite

Pareja, J. ., Rebudal, M. ., Sansaet, A. ., Valenzona, R. ., & Ablen Ph.D, A. S. . (2019). Sanhi at Bungan ng mga “Out of School Youth” sa Brgy. Pasong Putik Proper, Lungsod Quezon. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 1(1). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/1140

Most read articles by the same author(s)

Similar Articles

You may also start an advanced similarity search for this article.