Epekto ng Teknolohiya sa mga Mag-Aaral ng Ika-11 Baitang sa Asignaturang Filipino ng Bestlink College of the Philippines

Authors

  • A. Bacilio
  • M. Barillos
  • M.C. Cerujano
  • R.J. Cresencio
  • J.R. Gotot
  • Amelia S. Ablen Ph.D

Keywords:

teknolohiya, estratehiya

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid ang epekto ng Teknolohiya sa mga Mag-aaral ng asignaturang Filipino sa baitang labing-isa. Sa mga panahong lumipas, teknolohiya ang siyang naging bagong mundo natin. Iniluwal nito ang lahat ng uso at pangangailangan ng tao. Sa makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter. Makikita na malaki ang tulong na naibabahagi ng teknolohiya sa pag-unlad ng edukasyon ngunit dapat nating tandaan kung paano ito gamitin nang wasto. Ang pag-abuso ay maaring magdulot ng mga makakasama sa ating sarili. Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng disenyong “Descriptive Method”. Isinagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng talatanungan at nagsagawa ngpakikipanayam sa dalawampung guro ng asignaturang Filipino sa ika-11baitang. Ang respondente na guro na sumagot sa isinagawang pananaliksik ay mga guro na may ganap na karanasan sa pagtuturo. 1) Karamihan sa respondente ay nasa edad na 20-25, lalaki, at may posisyong Teacher I na may tagal na 0-5 taon sa pagtuturo. 2) Ang kadalasang ginagamit ng mga respondente ayang laptop/kompyuter. Nakatutulong ito bilang estratehiya sa paghahanda ng aralin. 3) May maganda itong naidudulot dahil napupukaw nito ang atensyon ng mga mag-aaral. 4) Ngunit sa paggamit nito, may mga negatibo itong hatid sapagkat maaring magdulot ng paglabo ng mata. 5) Sa papamagitan ng paggamit ng teknolohiya, mas napapalawak ang kaalaman ng mga mag aaral at nahahasa ang kanilang kakayahan sa mga gawaing may kinalaman sateknolohiya. Ang mga resulta ng aming isinagawang pananaliksik ay nagpapatunay na ang teknolohiya ay isang mabisang estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa ika-11 baitang. Kaakibat ng lahat ng ito ang pagdalo ng mga guro sa seminar. Ito ang susi at gabay sa makabagong pagtuturo ng mga guro sa 21st Century at maghahatid sa mas maluwat at mas madaling pagtuturo sa asignaturang Filipino. Sa mga magulang ay kinakailangan ang patnubay at gabay sa paggamit ng teknolohiya sa kanilang mga anak. Sa kinauukulan at kagawaran n g edukasyon, nawa'y bigyang pansin ng mga kakulangang kagamitan at ito'y punan upang ang mga guro't mag-aaral ay maging epektibo sa pagtuturo at pag-aaral.

Published

2019-04-01

How to Cite

Bacilio, A., Barillos, M., Cerujano, M. ., Cresencio, R. ., Gotot, J. ., & Ablen Ph.D, A. S. . (2019). Epekto ng Teknolohiya sa mga Mag-Aaral ng Ika-11 Baitang sa Asignaturang Filipino ng Bestlink College of the Philippines. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 1(1). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/1138

Most read articles by the same author(s)