Epekto ng Dami ng Bilang ng nga Mag-Aaral sa Loob ng Silid-Aralan ng Grade -7 ng Cielito Zamora Junior High School, Caloocan City
Keywords:
problema sa loob ng silid-aralanAbstract
Ang paaralan ang itinuturing na pangalawang tahanan ng mga mag-aaral at ang mga namumuno dito ang itinuturing din na pangalawang magulang. Layunin nito na magtamo ng husay upang makipagsabayan sa buong mundo sa mga aspeto ng kakayahan, katalinuhan, talent, at kaalaman. Sa problemang pagdami ng populasyon dahilsa kakulangan ng silid, ginagamit nilang silid-aralan ang mga laboratoryo, silid-aklatan, corridors, at opisina ng punong guro. Sinisikap ng Department of Education (DepEd) na maipatupad ang tamang bilang ng mga estudyante na tinuturuan ng isang guro na tinatawag na “teacher-student ratio”. Sa kasalukuyan, 1 is to 45 ang ratio ng guro sa mga mag-aaral para sa school year 2017-2018 sa bawat silid-aralan. Pero mas mainam aniya kung 1 is to 31 ang teacher-student ratio sa elementary level habang 1 is to 36 sa junior level at 1 is to 31 sa high school level. Ito ay alinsunod sa House Bill 473 o An Act Regulating Class Size in All PublicSchool. Ang naisasagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uring deskriptibongpananaliksik ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan “SURVEY QUESTIONNAIRE” para makalikom ng mga datos. Ang magiging kalahok sa pag-aaral na ito ay isang daan at limampu (150) narespondente. Kukunin ito mula sa populasyon ng mga mag-aaral mula sa ikapitong baitang ng Cielito ZamoraJunior High School, taong 2018-2019. Ang respondente, ayon sa edad kung saan ang labingdawang (12) na taong gulang, ang may mataas na marka na 45%. Makikita ang kasarian ng mga respondente na kababaihan ang nakakuha ng pinakamataas na marka na 54%. Sa seksyon ng mga respondent, ang Bolivia ang nakakuha ng pinakamataas na marka na 26%. Sa mga natapos ng magulang ng mga respondent, ang sekundarya ay nakakuha ng marka na 73% at ito ay pinakamataas. Sa trabaho ng magulang ng mga respondent, ang mga trabaho ng magulang ng mga respondente ay nakakuha ng iba pang trabaho na may 19% na antas ng pamumuhay. Ang may pinakamataas na kita ng magulang sa isang buwan aymay 5-10 libo na may 55% na marka. Ipinapakita ang dahilan ng daming bilang ng mga mag-aaral sa Grade-7. Ang libreng edukasyon ay nakakuha ng 3.7 weighted mean na may deskripsyon na HNE o higit na epektibo. Ang nagpapakitang tinatamad gumawa ng mga gawainna nakakuha ng 3.82 na weighted mean atmaydeskripsyonnaHNEoHigitnaepektibo.Angkawalanngganapumasoknanakakuhang 3.21 weighted mean na ang deskripsyon ay E o epektibo. Ang nagpapakita ng kawalan ng interes sa pag-aaral na mayroong 3.59 weighted mean at may deskripsyon na higit na epektibo. Ilan sa mga mungkahing ibinigay ng nga respondent and mga sumusunod: Ang mga magulang ay kinakailangang maglaan ng kaukulang badyet para sa edukasyon ng mga mag-aaral. Pagkakaroon ng sapat o tamang bilang ng mga mag-aaral sa silid-aralan at mga pasilidad sa loob ng paaralan upang matamo ang wastong kaalaman na kinakailangan sa kanilang pag-aaral. Pagpapatayo ng mga silid-aralan na may sapat na sukat upang hindi mahirapan ang mga mag-aaral na makilahok sa talakayan at pangkatang gawain. Pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga mag-aaral sa loob upang maiwasan ang siksikan ng mga mag-aaral at upang makatulong na maging produktibo ito sa loob ng klase. Pagdaragdag ng mga bagong silya/upuan sa silid-aralan ng sa gayon ay maging komportable ang mga mag-aaral. Pagbuo ng adbokasiya ng paaralan na magdagdag ng mga pasilidad na tutugon sa pangangailangan ng mag-aaral.