Epektibong Paggamit ng Awdyo-biswal sa Pagtuturo ng Filipino sa ika-10 Baitang ng Mataas na Paaralan ng Bagong Silang

Authors

  • Mary Joy C. Balmaña
  • Angelica N. Bonagan
  • Brian Paolo L. Bispo
  • JustineMarie C. Montuerto
  • Joana May G. Punay
  • Amelia S. Ablen, Ph. D

Keywords:

awdyo-biswal, pamamaraan, proseso ng pagkatuto

Abstract

Isang malaking hamon sa mga guro ang umisip at lumikha ng mga makabagong paraan o estratehiya sa pagtuturo ng Filipino upang mapukaw ang atensyon ng mga mag-aaral. Sa ika-21 siglo, ang mga metodo na ginagamit ng mga guro ay nagkaroon ng malaking pagbabago na umaangkla sa mga makabagong teknolohiya upang mas maging interaktibo at buhay ang talakayan. Isa na nga dito ang pag-unlad ng paggamitng mga kagamitang awdyo-biswal. Ang metodo na ginamit ng mga mananaliksik ay ang "Descriptive Method" kung saan ang bawat resulta sa mga nakalap na datos at ang mga interpretasyon ng mga talahanayan ay inilalarawan. Gumamit din ang mga mananaliksik ng sarbey at obserbasyon sa pagkalap ng mga mahahalagang datos sa nasabing pag-aaral. Base sa resulta ng mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, napatunayan na higit na mabisa at epektibo ang pagkamit ng pagkatuto ng mga mag-aaral kung ang mga guro ay sumasabay sa agos ng pagbabago sa pamamagitan ng paggamit ng mga kagamitang awdyo-biswal tulad ng laptop at prodyektor, TV, DVD player, speaker at ibapa. Pinili ng mga mananaliksik ang paksa tungkol sa mga pamamaraan sa pagtuturo sapagkat ito ay umakma sa kanilang napiling larangan. Tulad ng nabanggit sa introduksyon, isa ito sa malaking hamon sa mga guro sa panahon ngayon kung kaya't isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ito ang napili ng mga mananaliksik upang bigyang kasagutan ang mga suliraning ito saproseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob ng isang silid-aralan. Bilang isang gurong milenyal, marapat lamang na sumabay sa mga pagbabago na nangyayari sa ating kapaligiran, maging sa sistema ng pagtuturo at pagkatuto, kaya napili ng mananaliksik na bigyang-diin ang epektibong paggamit ng mga kagamitang/pamamaraang awdyo-biswal sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Published

2019-04-01

How to Cite

Balmaña, M. J. C. ., Bonagan, A. N. ., Bispo, B. P. L. ., Montuerto, J. C. ., Punay, J. M. G. ., & Ablen, Ph. D, A. S. . (2019). Epektibong Paggamit ng Awdyo-biswal sa Pagtuturo ng Filipino sa ika-10 Baitang ng Mataas na Paaralan ng Bagong Silang. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 1(1). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/1135

Similar Articles

<< < 1 2 3 4 

You may also start an advanced similarity search for this article.