Epekto Ng Social Media Sa Pakikipagkomunikasyong Berbal Ng Piling Mga Mag-Aaral Sa Unang Taon: Isang Gabay
Vol.3, No.2
Abstract
Ang komunikasyon ay mahalaga sa ating buhay dahil nagagawa natin ang pagpapahayag, pagpapaalam, pagpapabatid o pagbibigay ng mga impormasyon sa mabisang paraan, isa rin ang pakikipag-ugnayan, pakikipag-unawaan. Gamit ang wika, pinadadali nito ang paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng Social Media lalo pa itong pinabilis ang pagpaparating ng mensahe sa pagpapalaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Social Media. Ang Social Media ay mga websites at applications na ginagamit upang makagawa at makapagbigay ng komento o di kaya naman ginagamit ito upang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng Social Network. Ang Social Networking ay ang pakikipag-ugnayan ng isang indibidwal na magkalayo sa isa't isa.
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan ng pagsasagawa ng isang pananaliksik. Ginamit ng mga mananaliksik ang pamamaraang simple random sampling teknik. Ang mga napiling tumugon sa inihandang talatanungan ng mga mananaliksik ay mga mag-aaral sa unang taon ng Bachelor of Secondary Education na binubuo ng limampung (50) respondente sa Departamento ng College of Teacher Education ng Bestlink College of the Philippines sa panuruang taon 2022-2023.
Sa pag-aaral na ginawa ang mga sumusunod ay ang nagging resulta ng pananaliksik. Marami sa mga respondente ang mas ginagamit na Social Media ay ang Facebook dahil napapadali nito ang pakikipagkomunikasyon sa iba, lalo na marami sa mga kamag-aral, kaibigan at pamilya ay ito ang kanilang ginagamit. Sa larangan ng Personal mas nagagamit ang Social Media sa pakikipagkomunikasyon sa iba sapagkat dito mas naipapahayag ang mga saloobin natin o nararamdaman. Nakaaapekto sa Pag-aaral ang pakikipagkomunikasyon gamit ang Social Media dahil maraming mga mag-aaral ang gumagamit ng Social Media Sites upang makipagtalastasan o makipag-ugnayan sa kanilang kapwa kamag-aral at Guro.
Ang resultang nakalap ay maaaring magsilbing gabay upang magamit ng wasto ang Social Media sa Pakikipagkomunikasyong Berbal. Sa paraang ito magagamit ng tama at maiiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan. Maaaring gumamit ng mga pormal na pananalita sa taong nakakausap. Mahalaga sa panahon ngayon ang Social Media sapagkat maraming magandang naidudulot ito sa pang araw-araw na pamumuhay at dahil dito napagbubuklod-buklod nito ang mga magkakalayo at nagiging tulay ang Social Media upang magkaroon ng ugnayan ang bawat isa.