Epekto ng Panonood ng K-Drama sa Pag-Aaral ng Wika ng mga BSED Filipino sa Bestlink College of the Philippines
Vol.3, No.1C
Abstract
Ang K-drama ay kilalang gawaing panlibangan ng mga mag-aaral sa tuwing sila ay nabuburyong o nababagot sa pang araw-araw na gawain. Ngunit sa hindi mapagkakailang katotohanan, ang K-drama ay nakaaapekto rin sa pag-aaral. Kung kaya’t minabuting pag-aralan ang ganitong paksa upang magabayan ang mga mag-aaral patungkol sa mga mabuti at masamang epekto ng K-drama.
Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan at Purposive Sampling Technique. Pumili ng tatlumpung (30) mag-aaral mula sa Ikaapat na taon ng BSED Filipino Major ng College of Teacher Education sa Bestlink College of the Philippines na kung saan sila ay sumasagot sa inihandang talatanungan ng mga mananaliksik. Ang ganitong uri ng metodo ay nagnais na magbigay ng kasagutan sa mga katanungan sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng iba’t ibang baryabol.