Epekto Ng Paggamit Ng Social Media Sa Mga Piling Mag-Aaral Ng Ikalawang Taon Sa College Of Teacher Education

Authors

  • Rona Mae M. Alayon Bestlink College of the Philippines
  • Ana Marie D. Awid Bestlink College of the Philippines
  • Arline B. Hinampas Bestlink College of the Philippines
  • Almira D. Mansueto Bestlink College of the Philippines
  • Bernadette M. Tabios Bestlink College of the Philippines

Abstract

Ang Social Media ay isang aktibidad sa paglilibang kung saan maaari mong gamitin ang Social Media upang mangalap ng impormasyon, maari ibahagi ang mga kaganapan sa buhay at makipag-usap sa malalayong kamag-anak at kaibigan. Gayunpaman, dahil negatibo ang epekto ng Social Media sa mga mag-aaral, nagpasya ang mga mananaliksik na alamin ang epekto ng Social Media sa mga mag-aaral upang magabayan nila ang paggamit ng Social Media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok at Youtube. Dahil nangangailangan ng oras at inuuna ang paggamit ng Social Media kaysa sa mas mahahalagang bagay, ipinapakita ng pag-aaral na ito ang mga posibleng epekto ng paggamit ng Social Media at nagbibigay ng gabay sa mabuti at masamang paggamit ng Social Media

 

Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan at Simple Random Sampling Technique. Pumili ng apatnapu (40) mag-aaral. Kami ay pumili ng apat (4) seksyon at sa bawat seksyon ay mayroong sampung (10) respondente mula sa Ikalawang taon ng BSED Filipino Medyor ng College of Teacher Education sa Bestlink

 

College of the Philippines na kung saan sila ay sumasagot sa inihandang talatanungan na magbigay ng kasagutan sa mga katanungan sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng ibat-ibang baryabol. Ang may pinakamataas na bilang ng mga respondente ayon sa edad na sa 20-21 taong gulang. Sa kasarian ipinapakita na malaki ang bilang ng mga babae na pinakaraming bilang na sumagot sa talatanungan ng ikalawang taon medyor sa Filipino. Sa paggamit ng Social Media ang nilalaman ng pinakamataas na weighted mean 4.12% ang Youtube Pinakaunang Rango na may Interpretasyon na “Lubos na Gumagamit” ang resulta sa mga oras na nilalaan sa pag-gamit ng Social Media.Nauna na nga rito ang 5 - 9 Oras na may weighted mean 3.50% na nangunguna sa rango may Interpretasyon “Madalas”. Ipinahihiwatig nito na mas binibigyang pansin ng mga kabataan ang paggamit ng Social Media kung kaya malaking epekto ito sa kanila. Ang Youtube madalas ginagamit ng mga respondente. Sapagkat mas detelyado ang impormasyon na kanilang nakukuha at pagsubaybay sakanilang hinahangaan.

 

Ipinapakita sa 1.1 Epekto ng Social Media sa Mental sa Disbentahe ay ang Mas nagiging madali ang pagkakaroon ng depresyon at anxiety. nakakuha ng unang rango na 4.12 weighted mean may interpretasyon na “Lubos na Gumagamit” sa Bentahe naman ay Nagiging inspirasyon ng mga taon nagbabahagi ng kanilang tagumpay na nakakuha ng mataas na rango na 4.05 may interpretasyon na “Palagi” Ipinapakita sa 1.2 Epekto ng Social Media sa Emosyonal sa Disbentahe nakakuha ng mataas na rango ay Nagiging sanhi ng pagkawala ng pokus may weighted mean na 4.45 may interpretasyon “Nagagamit” sa Bentahe naman ay Nagbibigay ng galak mula sa komento ng ibang tao. May weighted mean na 4.45 may interpretasyon na “Lubos na Gumagamit” Ang 1.3 Epekto ng Social Media sa Pisikal Disbentahe nakakuha ng mataas na rango ang Dahil sa Social Media nakakabili ng pekeng produkto na may masamang epekto sa katawan may weighted mean na 3.97 may interpretasyon na “Palagi” sa Bentahe naman ay Ginagawang tulay ang Social Media upang makatulong sa taong nangangailangan may weighted mean na 4.80 may interpretasyon “Lubos na Gumagamit”.

 

Ang ipinakitang resulta ng pag-aaral para sa mga magulang, guro, administrasyon ng paaralan at mga mag-aaral upang mabalanse ang mga gawaing pampaaralan at libangan at makaiwas ang mga ito sa negatibong epekto na dulot ng paggamit ng Social Media at magamit ito upang makakuha ng impormasyon na makakatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang Social Media ay isa sa mga instrumentong ginagamit ng mga guro upang makipagkomunikasyon sa mga mag-aaral.

Published

2024-04-22

How to Cite

Alayon, R. M. M., Awid, A. M. D., Hinampas, A. B., Mansueto, A. D., & Tabios, B. M. (2024). Epekto Ng Paggamit Ng Social Media Sa Mga Piling Mag-Aaral Ng Ikalawang Taon Sa College Of Teacher Education. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(2). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13480