PAGGAMIT NG BALBAL NA SALITA BILANG WIKANG PAMPAGKATUTO SA IKALAWANG TAON NG MGA PILING MAG-AARAL NG MEDYOR SA FILIPINO
Keywords:
balbal na salita, wikang pampagkatuto, akademikong pag-aaral, paggamit ng balbal, filipino, pagsasalita, komunikasyon, balarila, pagsasaliksik, mag-aaralAbstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tuklasin ang "Paggamit ng Balbal na Salita bilang Wikang Pampagkatuto sa Ikalawang Taon ng mga Piling Mag-aaral ng Medyor sa Filipino." Sa patuloy na pag-unlad at pagbabago ng ating wika, naging bahagi na ng proseso ng impormal na pagkatuto ang paggamit ng mga balbal na salita. Ang mga mag-aaral ay nakakakuha ng kaalaman mula sa kanilang karanasan sa loob at labas ng paaralan, at ito ay naipapasa sa pormal na pakikipagtalastasan sa loob ng silid-aralan. Ang disenyo ng pananaliksik na ginamit ay Deskriptibong Pagsusuri, na isang uri ng Kwalitatibong Pananaliksik. Ang mga respondente ay kinuha gamit ang pormula ng Sloven, na nagresulta sa 61 na mga mag-aaral. Ang sampling technique na ginamit ay Random Sampling Technique, kung saan walang bias na naganap sa proseso ng pagkuha ng mga respondente. Ang instrumento na ginamit sa pananaliksik ay isang talatanungan na naglalaman ng mga tanong na itinakda ng mga mananaliksik upang masagutan ng mga respondente. Ayon sa mga nakalap na datos, ang pinakamataas na bilang ng mga respondente ay nasa edad na 18-20 taon, habang ang karamihan sa mga respondente ay babae. Mula sa mga negatibong pagsulat at pagsasalita, ipinakita ng mga respondente na may sapat silang kaalaman tungkol sa mga epekto nito sa kanilang pakikipag-komunikasyon. Sa kabuuan, ang mga respondente ay may tamang kaalaman tungkol sa mga epekto ng paggamit ng balbal na salita sa kanilang pakikipag-ugnayan sa iba. Ang mga rekomendasyon: Siguraduhin na napapanatili ang wastong paggamit ng balbal na salita sa akademikong pag-aaral upang maiwasan ang maling interpretasyon at paggamit nito. Magkaroon ng malawak na kaalaman sa tamang paggamit ng balarilang Filipino upang maiwasan ang maling paggamit ng balbal na salita sa konteksto ng akademikong pag-aaral. Maaaring gamitin ang balbal na salita sa interaktibong klase, lalo na sa pakikipagtalastasan, ngunit may limitasyon at tamang konteksto. Iangkop ang paggamit ng balbal na salita sa tamang sitwasyon sa loob ng paaralan upang maiwasan ang mga hindi pagkakaintindihan at mapanatili ang pormalidad sa mga akademikong diskurso.