Kahalagahan Ng, Paggamit Ng Wikang Filipino Sa Opm Para Sa Mga Piling Mag- Aaral Ng Ikalawang Taon: Isang Gabay
Abstract
Sa kasalukuyang panahon, patuloy na umuunlad ang musikang Filipino na nakakatulong sa pag-unlad ng ating kultura at bansa. Sa pamamagitan ng musika, nagagawa ng tao na ipahayag ang kanyang kaisipan at damdamin. Malaking bahagi ng ating musika ay impluwensya na nagmula sa mga katutubo at mga mananakop gaya ng mga Kastila at Amerikano. Bahagi na nang araw-araw na pamumuhay ng tao ang musika na kinahihiligan at kinagigiliwang pakinggan ng mga kabataan ay ang mga Original Filipino Music o OPM na nagpapagaan ng kanilang damdamin habang nakikinig nito, sa pagdaan ng panahon patuloy itong nagbabago at lumalago. Nasasaklaw ng pag-aaral na ito na malaman ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa OPM at aalamin din ng pag-aaral na ito ang magandang epekto nito sa ating wika, kultura at tradisyon, maging sa ating mismong bansa. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan upang makakalap ng mga datos na kinakailangan. Palarawang pamamaraan o deskriptibong pamamaraan ang disenyong ginamit ng mga mananaliksik. Gumamit ang mga mananaliksik ng simple random sampling teknik sa pamamahala ng talatanungan sa apatnapung (40) mag-aaral sa Ikalawang Taon ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa Bestlink College of the Philippines.
Karamihan sa naging respondente ng pag-aaral na ito ay mga babae na mayroong tatlumpu’t tatlong (33) bilang habang pito (7) ang mga lalaki. Karamihan sakanila ay na sa edad labing-walo (18) hanggang dalawampu (20) na may tatlumpu’t dalawang (32) tugon, sumunod ay ang na sa edad dalawampu’t isa (21) hanggang dalawampu’t tatlo (23) na mayroong anim (6) na bilang at ang panghuli ay dalawampu’t apat (24) hanggang dalawampu’t pito (27) na mayroon lamang dalawang (2) tugon. Mula sa iba’t ibang klase ng musika na kinahuhumalingang pakinggan at tangkilikin ng piling mag-aaral mula sa ikalawang taon
ng medyor sa Filipino at base sa nakalap na datos makikita na mas nagugustuhan ni lang pakinggan ang Pop music. Bagama’t marami na ang umuusbong na iba’t ibang uri ng musika, hindi pa rin nakakalimutan pakinggan ng mga tao ang OPM o Lokal na musika na gawa rito ating bansa. Malaki ang naitutulong ng musika sa ating wika, lipunan, kultura at tradisyon dahil isa ito sa dahilan kung bakit patuloy na tinatangkiliknakikilala ang ating bansa.
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa susunod na henerasyon upang malaman kung gaano ba kahalaga at kainam na gamitin ang wikang Filipino pagdating sa OPM.