Estratehiyang Ginagamit Ng Mga Guro Sa Pagpapaunlad Ng Kaalamang Pampanitikan: Gabay Tungo Sa Makabagong Pamamaraan
Vol.3, No.2
Abstract
Kasabay ng pagbabago ng panahon ay siya rin ang sabay ng pag-unlad ng mga pamamaraan sa pagtuturo ng mga guro sa Talakayan, Pagtataya, at pangkatang gawain o indibidwal. Isa sa suliranin ng mga guro ay pagkawala ng interes ng mga mag-aaral pagdating sa araling pampanitikan dahil sa mahahabang babasahin, Tulad ng nobela, Maikling kwento, Dula, Alamat, Pabula, Parabula, at pagsasaulo ng mga pangalan ng ibat-ibang may-akda. Ang pagkawalang interes ng mag-aaral ay isa sa problema na dapat tugunan o bigyang pansin ng bawat guro sa asignaturang Filipino. Dahil kung magpapatuloy ang pagkawala ng interes ng mga mag-aaral sa panitikan ito ay magdudulot ng di magandang resulta; Tulad ng pananawa o di pagkatuto ng mga estudyante. Isinagawa namin ang pag-aaral o pananaliksik na ito upang alamin ang estratehiyang ginagamit ng mga guro na makapupukaw sa interes at magpapaunlad ng kaalaman ng mag-aaral patungkol sa panitikan. Ang tradisyonal na estratehiya sa pagtuturo ay magiging gabay tungo sa makabagong pamamaraan na kinakailangan sa pagtuturo ng panitikan. Sa pag-aaral na ito ay nilalayon na makabuo ng estratehiya/pamamaraan na magagamit ng mga guro sa pagpapaunlad ng kaalamang pampanitikan: Gabay tungo sa makabagong pamamaraan. At ninanais din na alamin kung ano-ano ang mga bagay na nagiging sagabal sa kanilang mga estratehiya o pamamaraan at ano ang kanilang magiging tugon dito. Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan at Purposive Sampling Technique.
Pumili ng dalawangpu (20) na guro. Ang mananalisik ay pumunta sa ibat ibang departamento na mayroon ang Bestlink MV Campus. Upang mangalap ng kasagutan sa ginawang pananaliksik, Ang mananaliksik ay may inihandang talatanungan na may pahintulot ng guro sa pananaliksik. Matapos makalap ang mga kasagutan ito ay inalisa ng mananaliksik. Ang may pinakamataas na bilang ng mga respondente ayon sa edad na sa 21-30 taong gulang. Sa kasarian ipinapakita na malaki ang bilang ng mga lalaki na pinakaraming bilang na sumagot sa talatanungan. Sa pamamaraan sa talakayan ang pagtatanong sa mag-aaral ang may pinakamataas na katumbas na bigat 3.75 ito ay may interpretasyon na palaging ginagamit. Lumalabas sa resulta na ito ang pinaka epektibong ginagamit ng mga guro sa talakayan. Ang pagpili ng tamang sagot (Multiple choice) ang pinakauna sa pamamaraan sa pagtataya ito ang may pinakamataas na katumbas na bigat 3.80 na may interpretasyong palaging ginagamit. Sa pamamaraan ng pangkatang gawain ang pagpapasagot sa makabagong online app (Kahoot, Quizzez, Mentimeter) ang pinakamataas na nakakuha ng katumbas na bigat 3.55 na may interpretasyon na palaging ginagamit. Sa pamamaraan ng pagtuturo hindi maiiwasan na magkakaroon ng sagabal, base sa resulta ng aming pag-aaral ang kakulangan sa kagamitan, Ang walang visual aids ang may pinakamataas na katumbas na bigat 3.15 at interpretasyona na sumasang-ayon at sa Kapaligiran ng paaralan naman nakasasagabal ang maingay na paligid na may katumbas na bigat 3.45 at may interpretasyon na sumasang-ayon. May mga naging hakbangin ang mga guro upang maiwasan ang mga nakakasagabal, Sa obserbasyon Alamin kung ano-ano ang bagay ang nakapupukaw sa kanilang interes na may katumbas na bigat 3.40 at interpretasyon na sumasang-ayon. At sa angkop na kasagutan, nangunguna sa ranggo ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya at online app. Tulad ng laptop, projector, kahoot at Quizzez namay katumbas na bigat 3.20 at interpretasyon na sumasang-ayon. Pagdating naman sa angkop na pamamaraan nangunguna sa ranggo ang gamitin ang laptop at projector sa talakayan. Dahil ang paggamit ng guro ng teknolohiya ay makatutulong upang mapukaw ang kanilang interes na making sa talakayan at para maiwasan ang mga sagabal sa paligid na may katumbas na bigat 3.35 at interpretasyon na sumasang-ayon. Ang mga datos ay isinuri sa pamamagitan ng pagkuha ng bilang ng mga respondente o ang frequency distribution, paggamit ng percentage upang malaman ang bahagdan ng tugon ng mga respondente, Matapos magamit ang mga naunang pormula, gagamitin ang mga mananaliksik ng ranggo upang malaman ang estratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagpapaunlad ng kaalamang pampanitikan, at ang panghuli gagamitin ang mga mananaliksik ng katumbas na bigat upang malaman ang kabuuang bigat o bilang ng kasapatan ng mga respondente sa bawat aytem sa ilalim ng bawat kategorya ay hahatiin o ididibayd sa bilang ng mga respondente. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng istatistikal na iskala upang mapadali ang pag-aanalisa at interpret ng mga datos na nakalap.
Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga guro, mananaliksik at mag-aaral na kumukuha ng kursong edukasyon na medyor sa Filipino. Para sa mga guro, magagamit ng mga guro ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng panitikan upang mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral sa panitikan, Pagdating sa talakayan, Pagtataya, Gawaing grupo o indibidual. Maging gabay sa mga guro tungo sa makabagong pamamaraan sa pagtuturo ng panitilkan. Mahihikayat ang mga guro sa maraming estratehiya sa pagtuturo upang ang mga kakayahan at kasanayan ay lubusang malinang sa mga mag-aaral. Mananaliksik, magsisilbing gabay sa pagsasagawa ng pananaliksik ukol sa pagkakalap ng mga estratehiya ng pagtuturo ng panitikan. Magkakaroon ng iba pang karagdagang impormasyon sa pananaliksik ukol sa mga makabagong estratehiya sa pagtuturo ng panitikan. Makatutulong upang mas mapadali ang pangangalap ng datos para sa pananaliksik. Para sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong edukasyon na medyor sa Filipino, Magagamit ng mga mag-aaral na nais maging guro sa hinaharap ang mga estratehiya sa pagtuturo ng panitikan na nakapaloob sa pananaliksik.