Epektibong Paggamit Ng Panonood Ng Mga Pang-Edukasyong Bidyo Bilang Pamamaraan Ng Pagkatuto

Vol.3, No.2

Authors

  • Shiela G. Anastacio Bestlink College of the Philippines
  • Mechaela P. Estrera Bestlink College of the Philippines
  • Hiezel A. Longcop Bestlink College of the Philippines
  • Alejandro D. Sabucido Jr. Bestlink College of the Philippines
  • Rhea C. Tabigne Bestlink College of the Philippines

Abstract

Sa panonood ng mga pang-edukasyong bidyo, ang prosesong biswal ay napapabilis ang pag-unawa ng utak sa mga impormasyong biswal. Natututo ang isang mag-aaral sa panggagaya dahil sa mga bidyo na nakikita sa demonstrasyon. Ang ating sarili ay nagkakaroon ng sariling pag-aaral kapag ginagamit natin ang panonood ng mga pang-edukasyong bidyo bilang instrumento sa pagkalap ng mga kasagutan. Sa bawat silid-aralan, ang mag-aaral ay may kanya-kanyang gadyet o instrumentong panturo na kung saan madali na mapapanood ang mga impormasyon. Sa pamamagitan ng panonood nakikita ng mag-aaral ang tamang paraan at proseso sa paggawa ng isang bagay kaya nagsisilbi itong gabay. Ang kontekstuwalisasyon ay napapadali kung saan ito ay nakikita at nadidinig. Ang makrong kasanayan sa panonood ay maituturing na isang instrumento tungo sa mabisang pagpapahayag ng mga kaisipan at ang pagkuha ng bagong kaalaman. Ang layunin nito ay upang makita kung gaano kaepektibo paggamit ng panonood ng mga pang-edukasyong bidyo bilang pamamaraan at masukat ang bilis ng pagkatuto ng mga mag-aaral dahil ito rin ay magsisilbing tulong na mas gamitin ang makrong kasanayang panonood ng mga pang-edukasyong bidyo bilang isang kagamitan sa lahat ng pag-aaral na isasagawa ng mga mag- aaral. Dagdag pa, hindi lamang ito

nakapokus sa pagkatuto sa akademiko kundi ito rin ay pinagmumulan ng kaalaman upang magkaroon ng kamalayan sa maraming bagay.

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa Epektibong Paggamit ng Panonood ng mga Pang-edukasyong Bidyo Bilang Pamamaraan ng Pagkatuto. Ginamit sa pag-aaral na ito ang palarawang pamamaraan o deskriptibong pamamaraan upang maging angkop sa pangangailangan ng pag-aaral na ito ay tatlumpung (30) mag-aaral sa Unang Taon ng Bachelor of Secondary Education sa Departamento ng College of Teacher Education ng Bestlink College of the Philippines. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng simple random sampling technique para sa mga respondente. Ang mga ginamit sa instrumento ng pananaliksik ay pagbuo ng talatanungan at nagsagawa ng pakikipanayam upang matugunan at makalap ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral na mula sa mga respondente.

Published

2024-04-22

How to Cite

Anastacio, S. G. ., Estrera, M. P. ., Longcop, H. A. ., Sabucido Jr., A. D. ., & Tabigne, R. C. . (2024). Epektibong Paggamit Ng Panonood Ng Mga Pang-Edukasyong Bidyo Bilang Pamamaraan Ng Pagkatuto: Vol.3, No.2. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(2). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13510