Epekto Ng Interaktibong Video Materyal Sa Pagkatuto Ng Mag-Aaral Sa College Of Teacher Education Medyor Sa Filipino

Vol.3, No.2

Authors

  • Marian M. Ruelo Bestlink College of the Philippines
  • Shiela Mae V. Sy Bestlink College of the Philippines
  • Mariby V. Tesalona Bestlink College of the Philippines
  • Zyrus Mae Tornea Bestlink College of the Philippines
  • Kharyle Jane Fe P. Ybanez Bestlink College of the Philippines

Abstract

Ang mabisang pagkatuto ay isa sa mga pangunahing alalahanin ng mga guro sa lahat ng asignatura partikular sa Filipino. Dahil dito, iba't ibang pagtuturo, pamamaraan at estratehiya ang ginagamit o isinasama sa pagtuturo upang makabuo ng dekalidad na edukasyon. Ang 21st century educational system sa Pilipinas ay humaharap sa educational reform na nangangailangan ng isang multi-dimensional approach na pumapatungkol sa cognitive, emotion, at social dimension sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ngunit, dahil ang mundo ay humaharap sa pandemya nagbago ang educational approach ng Pilipinas at ipinakilala ang blended learning system, ito ay paraan ng pagtuturo na gumagamit ng teknolohiya at digital midya sa tradisyonal na aktibidad sa silid-aralan na pinangungunahan ng guro, na nagbibigay sa mga mag-aaral na higit na kakayahang umangkop ang mga karanasan sa pag-aaral. Ang layunin ng pag-aaral na ito at tukuyin ang epekto ng interaktibong video materyal bilang sa antas ng pagkatuto ng mag-aaral sa Filipino.

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng Interaktibong Video materyal sa pagkatuto ng mag-aaral. Gagamit ng deskriptibong pananaliksik upang makakulap ng datos mula sa mga respondente na makakatulong sa pag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng random sampling method. Ang napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay ang piling mag-aaral mula Bestlink College of the Philippines, kukuha ang mga mananaliksik ng apat napung (40) mag-aaral at ito’y hahatiin sa dalawang seksyon na galing sa BSED-3101 at BSED-3102 ng ikatlong taon ng medyor sa Filipino ng College of Teacher Education. Ang ganitong uri ng metodo ay ay nagnais na mabigyang kasagutan kung gaano ka epektibo ang paggamit ng mga interaktibong video materyal sa pagkatutong mga piling mag-aaral sa College of Teachers Education medyor sa Filipino.

Ang mga nalikom na mula sa Ikatlong Taon sa Bachelor of Secondary Education Major in Filipino mula sa Seksyon 3101 at 3102 sa College of Teacher Education ng Bestlink College of the Philippines ay binigyan ng pagpapakahulugan at pagpapaunawa upang lubos na maunawaan ang isinasaad na mga datos mula sa mga nakalap na impormasyon sa mga naging respondente ng pananaliksik na ito. Ang mga datos ay dumaan sa pag analisa at inaral ng mabuti upang maging tama ang interpretasyon sa bawat tanong at masagot ng wasto ang mga suliranin sa pag-aaral na ito. Mula sa mga datos na nakalap natuklasan ng mga mananaliksik na mayroong positibo at negatibong epekto ang paggamit ng interaktibong video materyal sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang mga datos ay isinuri sa pamamagitan ng pagkuha ng bilang mga repondente o ang frequency distribution, paggamit ng  percentage upang malaman ang bahagdan ng mga tugon nga mga respondente, matapos magamit ang mga naunang pormula gagamit ang mga mananaliksik ng ranking upang malaman ang epekto ng paggamit ng interaktibong video materyal sa pagkatuto ng mga magaaral, at panghuli gagamit ang mga mananaliksik ng weighted mean upang malaman ang kabuang bigat o ang bilang ng kasapatan ng mga respondente sa bawat aytem sa ilalim ng bawat kategorya ay idibayd sa bilang ng mga respondente. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng istatistikal na iskala upang mapadali ang pag-analisa at pag interpret ng mga datos na nakalap.

Mula sa kinalabasan na ginawang pagsusuri sa pananaliksik na ito na pagdesisyonan na ang paggamit ng interaktibong video mateyal sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay gamitin upang maging produktibo ang pakikinig ng mga mag-aaral sa talakayan, makuha ang Interes sa talakayan, at madali nauunawaan ang talakayan. Ang paggamit ng Slides sa Online na kagamitan at powerpoint presentation sa offline na kagamitan ay mainam na kagamitang panturo sa mag-aaral dahil napapahusay ang pakikinig ng mag-aaral gamit ang mga pantulong na kagamitang panturo. Ngunit dahil ang paggamit ng interaktibong video materyal ay may positibo at negatibong epekto ilan sa napagpasyahan upang matugunan ang problemang ito ay Panatilihing may sapat at naaayon ang paksang tatalakayin gamit ang Interaktibong Video Materyal.

Published

2024-04-22

How to Cite

Ruelo, M. M. ., Sy, S. M. V. ., Tesalona, M. V. ., Tornea, Z. M. ., & Ybanez, K. J. F. P. . (2024). Epekto Ng Interaktibong Video Materyal Sa Pagkatuto Ng Mag-Aaral Sa College Of Teacher Education Medyor Sa Filipino: Vol.3, No.2. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(2). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13509