Epekto Ng Pagbabasa Ng Wattpad Sa Pagsulat Ng Maikling Kwento Sa Ikalawang Taon Sa Medyor Sa Filipino Bcp Tp.2022-2023

Vol.3, No.2

Authors

  • Mary Jane P. Escueta Bestlink College of the Philippines
  • Joseph S. Manangan Jr. Bestlink College of the Philippines
  • Kristel May B. Muron Bestlink College of the Philippines
  • Nathalie R. Omanad Bestlink College of the Philippines
  • Jhenica V. Robles Bestlink College of the Philippines

Abstract

Nais ng mga mananaliksik na matuklasan ang mga nag-uudyok sa kabataan na magbasa ng wattpad. Para makapagbigay ng isang gabay na makakatulong sa mga mag-aaral upang limitahan ang pagbabsa gamit ang makabagong teknolohiya.

Sa panahon ngayon malaki na ang makikitang pagbabago sa iba’t ibang larangan isa na rito ang paraan ng pagbabasa. Ang ginagamit ng mga kabataan sa pagbabasa ng kwento sa kasalukuyang panahon ay umuunlad na, mula sa mga libro patungo sa kagamitang pangteknolohiya tulad ng ebook, website at wattpad. Mula sa isang lathalain nina Bareber et al. (2018) sinasaad na mas tinatangkilik ng mga kabataan maging ang ilang matatanda ang pagbabasa gamit ang aplikasyon (apps) kaysa sa aklat. Binanggit sa nasabing ulat na ang pagbabasa noon ay isang paraan ng pagkalap ng impormasyon. Sa pagdaan ng panahon marami ng mga kabataan ang nahuhumaling sa pagbabasa gamit ang wattpad.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang “Simple ramdom sampling” teknik sa pamamahala ng talatanungan sa tatlompung (30) mag-aaral sa ikalawang taon ng medyor sa Filipino ng Bestlink College of the Philippines. Lumabas sa aming nakalap na resulta ng aming pag-aaral na karamihan sa mga mag-aaral ng ikalawang taon ng Medyo sa Filipino na iilan sa ating mag-aaral ay ginagawang libangan ang pagbabasa ng wattpad. Ang iba sa ating mag-aaral ay gumagamit ng aplikasyong wattpad upang makapagbasa ng mga maikling kwento, ang pagbabasa naman ng mga mag-aaral ng maikling kwento sa wattpad ay tinitingnan nila ang genre nito kaysa sa istilo na mayroon ang kwento at ang pag-aaral na ito ay nakakapagpalawak ng kaalaman sa mga panitikang Filipino.

Published

2024-04-22

How to Cite

Escueta, M. J. P. ., Manangan Jr., J. S., Muron, K. M. B. ., Omanad, N. R. ., & Robles, J. V. . (2024). Epekto Ng Pagbabasa Ng Wattpad Sa Pagsulat Ng Maikling Kwento Sa Ikalawang Taon Sa Medyor Sa Filipino Bcp Tp.2022-2023: Vol.3, No.2. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(2). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13505