Kawalan Ng Interes Ng Mga Mag-Aaral Sa Pagbabasa Ng Nobelang Filipino: Isang Inobasyong Pag-Aaral

Vol.3, No.2

Authors

  • Marjory A. Domingo Bestlink College of the Philippines
  • Luis Miguel C. Gabanes Bestlink College of the Philippines
  • Jo-Kid P. Gerong Bestlink College of the Philippines
  • Clyde John B. Mamado Bestlink College of the Philippines
  • Elison R. Pederio Bestlink College of the Philippines

Abstract

Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan, Ngunit sa makabagong panahon ay tila ba nawawalan na ng interes ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga akdang nobela, Ayon nga kina Bautista et.al (2020) sa kanilang inilabas na artikulo na nagsasabi na karamihan sa atin ay nakatutok na sa pagbabasa ng mga Wattpad at mga iba pang makabagong babasahin mula sa teknolohiya ang mahalagang ating kailangan basahin ay hindi na natin napapansin, Sa pag-aaral na ito ay tunguhing malaman ang mga maaring dahilan ng kabawasan ng interes ng mga mag-aaral sa Nobelang Filipino at kung malaking kawalan ba ang kabawasan ng interes ng mga mag-aaral sa mga Nobelang Filipino.

Kaya’t naging pangunahing layunin ng mga mananaliksik na pag-aralan ang mga dahilan ng kabawasan ng interes sa Nobelang Filipino ng mga mag-aaral ng BSED Filipino sa Bestlink College of the Philippines. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang deskriptibong pamamaraan na ginamitan ng Simple Random Sampling Technique” ng mga mananaliksik sa pagpili ng mga respondente na kung saan ang apatnapung (40) mag-aaral mula sa Ikalawang taon ng BSED Filipino Major sa Bestlink College of the Philippines ang mga naging respondente.

Mula sa mga nakalap na resulta ng mga mananaliksik sa kanilang pagsarbey, ito ang mga nabuong konklusyon, Karamihan sa mga mag-aaral sa ikalawang taon ng BSED medyor sa Filipino ay batid ang magandang maidudulot sa kanila ng pagbabasa ng Nobelang Filipino,batid nila na maraming mapupulot na mga aral sa pagbabasa nito at higit na mas sumasalamin sa kanilang kultura at pamumuhay ang nilalaman ng bawat Nobelang Filipino ngunit mas interesado sila sa mga elektronikong babasahin kumpara sa mga nakalimbag na akdang Nobela higit din na mas interesado sila sa pagbabasa ng mga mas maiikling babasahin o ibang uri ng panitikan.

Published

2024-04-22

How to Cite

Domingo, M. A., Gabanes, L. M. C. ., Gerong, J.-K. P. ., Mamado, C. J. B. ., & Pederio, E. R. . (2024). Kawalan Ng Interes Ng Mga Mag-Aaral Sa Pagbabasa Ng Nobelang Filipino: Isang Inobasyong Pag-Aaral: Vol.3, No.2. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(2). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13504