Kahalagahan Ng Paggamit Ng Wikang Filipino Sa Pag-Aaral Ng Mga Asignatura Sa Panitikan, Kultura At Kasaysayan Ng Pilipinas Sa Mag-Aaral Na Medyor Sa Filipino

Vol.3, No.2

Authors

  • John Michael D. Darupan Bestlink College of the Philippines
  • Liezl M. Herminigildo Bestlink College of the Philippines
  • Sean Christian Maniego Bestlink College of the Philippines
  • Earl Gerald S. Martinez Bestlink College of the Philippines
  • Lhevy V. Socorro Bestlink College of the Philippines

Abstract

Ang paggamit ng wikang nauunawaan ng nakararami ay ang pinakamahalagang kasangkapan para sa mas maayos at malinaw na pagkakaunawaan dahil mas napapadali nito angu prosesou ngpagu-aaral, masu nakarerelaks, mas buhay at masigla ang diskusyon, walang limitasyon sa mga ideya at mas nagpapartisipeyt angu mgau mag-aaralu kaya naman nawawala ang mga balakid o hadlang para sa kanilang epektibong pagkatuto. Kungu kaya’t minabutiu ngu mga mananaliksiku na pag-aralan ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino upang magabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto at sa pagpapalawig at paglinang ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga asignatura sa Panitikan, Kultura at Kasaysayan ng Pilipinas. Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan at Simple Random Sampling Technique. Gamit ang Fishbowl method, ang mga mananaliksik ay kumuha ng tatlumpung (30) mag-aaral mula sa ikatlong taon ng BSED Filipino Major ng College of Teacher Education sa Bestlink College of the Philippines na kung saan sila ang tumugon sa inihandang talatanungan ng mga mananaliksik. Ang ganitong uri ng metodo ay nagnanais na magbigay ng kasagutan sa mga katanungan sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng iba’t ibang baryabol. Ang mga respondenteng tumugon sa talatanungan ay nakakuha ng pinakamataas na bahagdan na 57% ay nasa edad na 19-21 taong gulang. Samantala, karamihan sa mga respondenteng tumugon sa pag-aaral na ito ay mga babae na nagtala ng pinakamataas na bahagdan na 80%. Base sa naging resulta ng pag-aaral na ito, ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-aaral ng Panitikan ay higit na mahalaga dahil napaghuhusay nito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa asignaturang Classical Literature na nakakuha ng 4.73 na weighted mean. Samantala, ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-aaral ng Kultura ng Pilipinas sa asignaturang Art Appreciation ay higit na mahalaga dahil napagyayabong nito ang kaalaman at kasanayan ng mag-aaral sa pag-aaral ng kulturang kanilang kinalakihan na nakakuha ng 4.63 na weighted mean. Habang ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas sa asignaturang Reading in Philippine History ay higit na mahalaga dahil nakikilala ng mag-aaral ang mga taong naging parte ng kasaysayan ng bansa kung saan nakakuha ito ng 4.53 na weighted mean. Natuklasan rin sa pag-aaral na ito ang mga epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral kung hindi gagamitin ang wikang Filipino sa pag-aaral ng mga asignatura sa Panitikan, Kultura at Kasaysayan ng Pilipinas. Bilang resulta, ang itinuturing na higit na mahalagang salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral kung hindi gagamitin ang wikang Filipino sa pag-aaral ng Panitikan ng Pilipinas sa asignaturang Classical Literature ay nagkakaroon ng kalituhan ang mga mag-aaral sa pag-unawa sa mga araling pampanitikan na may pinakamataas na weighted mean na 4.13. Ang itinuturing naman na higit na mahalagang salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral kung hindi gagamitin ang wikang Filipino sa pag-aaral ng kultura ng Pilipinas sa asignaturang Art Appreciation ay nagiging mahirap sa mga mag-aaral na kilalanin ang iba’t ibang kulturang umusbong sa Pilipinas at kulang ang nakukuhang kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng mga araling pangkultura na may weighted mean na 3.96.

Sa pag-aaral naman ng Kasaysayan ng Pilipinas, ang itinuturing na higit na mahalagang salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral kung hindi gagamitin ang wikang Filipino sa asignaturang Reading in Philippine History ay nawawalan ng interes ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga impormasyong nakalimbag sa wikang Ingles. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay para sa mga mag-aaral, mga guro, mga magulang, administrasyon ng paaralan, sa komunidad, at sa mga susunod na mananaliksik. Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito ay magbibigay impormasyon tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga asignatura sa Panitikan, Kultura at Kasaysayan ng Pilipinas. Gayundin, magsisilbi itong gabay at batayan upang patuloy na gamitin ang wikang Filipino bilang midyum ng pag-aaral sa mga asignaturang may kinalaman sa ating pagka-Pilipino.

Published

2024-04-22

How to Cite

Darupan, J. M. D. ., Herminigildo, L. M. ., Maniego, S. C. ., Martinez, E. G. S. ., & Socorro, L. V. . (2024). Kahalagahan Ng Paggamit Ng Wikang Filipino Sa Pag-Aaral Ng Mga Asignatura Sa Panitikan, Kultura At Kasaysayan Ng Pilipinas Sa Mag-Aaral Na Medyor Sa Filipino: Vol.3, No.2. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(2). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13502