Epekto Ng Mobile Legends Sa Pag- Aaral Ng Mga Piling Mag-Aaral Sa Ikalawang Taon Ng Medyor Sa Filipino: Isang Gabay
Vol.3, No.2
Abstract
Ang Mobile Legends (Bang Bang) ay isa sa mga nauusong laro ngayon sapagkat ito ay nakalilibang gamitin mapa bata man, kabataan o mag-aaral ay nahuhumaling dito. Subalit sa paggamit nito ay may pagkakataong nakaaapekto ito sa bawat indibidwal higit na sa mga mag-aaral tulad ng pakikipag-interaksyon, pagliban sa klase at kabuuang Marka. Kaya ang paksang ito ay minabuting pag-aralan para maging gabay sa mga mag-aaral patungkol sa mga positibo at makaiwas sa mga negatibong epekto ng Mobile legends (Bang Bang) sa Pag-aaral ng mga mag-aaral.
Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. ito ay mayroong (30) kalahok na mga mag-aaral mula sa Ikalawang Taon ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa departamento ng College of Teacher Education sa Bestlink College of the Philippines na kung saan sila ay sasagot sa inihandang talatanungan. Ang pamamaraan na ito ay angkop sa pangangailangan ng pag-aaral. Ang pamamaraang purposive sampling teknik ay ang ginamit sa pagpili ng respondente. Kaugnay nito, ang quota sampling method ang ginamit ng mga mananaliksik para makakuha ng tatlumpung (30) piling mga mag-aaral sa nabanggit na taon at kurso.