Lawak Ng Nalalaman Sa Panitikang Filipino Ng Piling Mag-Aaral Na Nasa Ikalawang Taon Ng Kolehiyo

Vol.3, No.2

Authors

  • Carlon M. Ballard Bestlink College of the Philippines
  • Zabdiel G. Bongcaras Bestlink College of the Philippines
  • Paulyn A. Espiritu Santo Bestlink College of the Philippines
  • Robert G. Tadulan Bestlink College of the Philippines
  • Jessie E. Villamor Bestlink College of the Philippines

Abstract

Ang Panitikan ay ang pagsulat na nagpapahayag ng mga damdamin, kaisipan o kwento ng isang tao. Mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo pinag-aaralan ang panitikang Filipino mapa-wikang Filipino o wikang Ingles. Subalit may iilang kabataan pa din

na hindi pa malawak ang nalalaman at nawawalan ng interes sa Panitikang Filipino. Isang halimbawa ang inulat ni Perez (2022), tungkol sa maling pagsagot sa tanong kung sino ang tatlong paring martir. Ang layunin ng pananaliksik ay malaman kung hanggang saan ang lawak o kapasidad ng pag-unawa ng mga piling magaaral sa ikalawang taon ng kolehiyo, medyor sa Filipino at ang mga dahilan kung bakit nawawalan ng interes sa talakayang Pampanitikang Filipino. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang kwalitatibo na disenyo sa pamamaraang deskriptibong sarbey para sa pagkolekta ng impormasyon. Ang Clustered Random Sampling bilang Teknik na ginamit sa pagbili ng apatnapu (40) na mag-aaral sa ikalawang taon ng kolehiyo, medyor sa Filipino ng Bestlink College of the Philippines.

Sa pag-aaral na ginagawa ang mga sumusunod ay ang naging resulta ng pananaliksik. 1) Natuklasan sa paglalarawan edad ay nasa 20-21 taong gulang na may porsyentong 92.50% at sa kasarian na babae. 2) Sa pag-aaral na ito ipinahaging labis ang nalalaman ng mga mag-aaral sa mga panitikan na umusbong o lumaganap sa panahon ng Amerikano nakakuha ito ng Grand Weighted Mean na 4.33. 3) Sa pagsusuri, nadiskubre na mas nababatid ng mga estudyante ang talakayang pampanitikan piksyon ito mayroong Grand Weighted Mean na 4.57. 4) Natutunan sa pananaliksik ang dahilan ng kawalan ng interes sa Panitikang Filipino. Ang estratehiyang sa pagtuturo ang naging pinakadahilan ito ay nakakuha ng Grand Weighted Mean na 3.76. 5) Sa pamamaraan upang mapalawig ang nalalaman ang ideya na ang pagiging produktibo ng isang guro at pagbibigay ng mga halimbawa na kaugnay sa talakayan pareho ito nakakuha ng mataas na weighted mean na 4.80.

Published

2024-04-22

How to Cite

Ballard, C. M., Bongcaras, Z. G. ., Espiritu Santo, P. A., Tadulan, R. G., & Villamor, J. E. (2024). Lawak Ng Nalalaman Sa Panitikang Filipino Ng Piling Mag-Aaral Na Nasa Ikalawang Taon Ng Kolehiyo: Vol.3, No.2. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(2). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13499