Antas Ng Kakayahan Ng Mga Piling Mag Aaral Sa Unang Taon Ng Medyor Sa Filipino Sa Pagsulat Ng Sanaysay

Authors

  • Jorlie Ann M. Aguirre Bestlink College of the Philippines
  • Jenifer T. Dacutanan Bestlink College of the Philippines
  • Keziah Mae B. Elvas Bestlink College of the Philippines
  • Robert P. Fajutrao Bestlink College of the Philippines
  • Eunice Salingbay Bestlink College of the Philippines
  • Gerlou B. Tutor Bestlink College of the Philippines

Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito ay sukatin ang kakayahan ng  mga piling mag- aaral sa unang taon upang magdulot ito ng  kamalayan sa kahalagahan ng paglinang ng kakayahan sa pagsulat  upang mabisa at kawiliwili ang pagsulat. Sa pag-aaral din ito ay upang lalong malaman ang mga maidudulot nito na dapat iwasan pa,  para sa ikagaganda ng kanilang akdang pampanitikan o ang  pagsulat ng sanaysay at ikalalawak ng kanilang kaalaman at sanayin  ng mga mag-aaral ang pagsulat ng sanaysay upang makilala ang  mga elemento nito at kailangan bigyang pansin ang pagsulat ng  sanaysay sa Filipino. 

Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay  gumamit ng deskriptibong pamamaraan at simple random sampling  technique method. Pumili ng tatlumpu (30) na piling mag-aaral sa  unang taon sa Bachelor of Secondary Education ng Medyor sa  Filipino sa Bestlink College of the Philippines na kung saan sila ay  sumasagot sa inihandang talatanungan na magbigay ng kasagutan  sa mga katanungan sa pamamagitan ng pagkalap ng kinakailangang  datos sa pag-aaral.

Published

2024-04-22

How to Cite

Aguirre, J. A. M., Dacutanan, J. T., Elvas, K. M. B., Fajutrao, R. P. ., Salingbay, E., & Tutor, G. B. (2024). Antas Ng Kakayahan Ng Mga Piling Mag Aaral Sa Unang Taon Ng Medyor Sa Filipino Sa Pagsulat Ng Sanaysay. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(2). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13495