Estado Ng Asignaturang Filipino Ng Pagtuturo Sa Makabagong Panahon Bilang Asignatura, Pagkatuto at Interes Ng Mga Mag-Aaral

Authors

  • Zyrienne Castillo Bestlink College of the Philippines
  • Regine C. Lorete Bestlink College of the Philippines
  • Manilyn J. Oronan Bestlink College of the Philippines
  • Junnel M. Pensona Bestlink College of the Philippines
  • Jerry I. Porazo Bestlink College of the Philippines

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng descriptive quantitative method at purposive sampling technique. Ang mga mananaliksik ay kumuha ng tatlumpu (30) na respondente sa Bestlink College of the Philippines sa mga nasa Unang Taon sa kolehiyo sa ilalim ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino. Ang mga piling mag-aaral na ito ay inaasahang matugunan ng tama ang mga katanungan na inihanda ng mga mananaliksik.

Ayon sa sarbey na aming nakalap sa pananaliksik pinakamarami ang tumugon na edad na 17-19 at may kasarian na babae na parehong may kabuuang 76.67%. Sa estado bilang asignatura ang may kabuuang 4.63 ay ‘Ang Filipino bilang asignatura ang nagbibigay ng buhay bilang tayo ay mga Pilipino.’ Sa pagkatuto ang ‘Pagpapalawak ng kasanayan na interaksyon sa pagkatuto sa pagitan ng mga mag-aaral at guro’ na may kabuuang 4.6 at sa interes ng mga mag-aaral pinakamataas na kabuuan ay 4.47 na ang ‘May kagustuhan na mahasa ang karunungan sa asignatura.’ Ayon din sa mga respondente mahalaga ang asignaturang Filipino sa kasalukuyan upang magamit ang wika sa tamang paraan na may kabuuang 4.63.

Sumunod, ‘Nakakagawa ng mahusay na hakbang sa paglikha upang mapanatili ang pag-ulad ng wikang Filipino’ ang natutulong ng makabagong teknolohiya na may bahagdan na 4.57. Sa mga inilahad na rekomendasyon ng mga mananaliksik pinakamarami ang nagsasabi na ‘Makilala pa ang asignaturang Filipino sa mga susunod na henerasyon’ sa pagpapaunlad ng Filipino, bilang isang asignatura, pagkatuto at interes na may kabuuang 4.73. Ayon sa resulta ng pag-aaral na ito na ang asignaturang Filiipino ang nagbibigay buhay sa atin bilang isang mamamayan sa bansa. Ang estado ng asignatura ay mas mapapalawak pa ang karunungan sa pagitan ng guro at mag-aaral. Mas mabibigyan pansin ang asignaturang Filipino kung mahahasa ang karunungan ng mga mag-aaral. Malaki rin ang nagampanan ng makabagong teknolohiya upang mapanatili at mapausbong ang asignaturang Filipino sa kasalukuyan.

Published

2024-04-22

How to Cite

Castillo, Z., Lorete, R. C., Oronan, M. J., Pensona, J. M., & Porazo, J. I. (2024). Estado Ng Asignaturang Filipino Ng Pagtuturo Sa Makabagong Panahon Bilang Asignatura, Pagkatuto at Interes Ng Mga Mag-Aaral. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(2). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13494