Pagbuo Ng Isang Gabay Dulot Ng Online Class Sa Pag-Uugali Ng Mga Piling Mag-Aaral Sa Ikatlong Taon Sa Kolehiyo

Authors

  • Joy Marie D. Asinas Bestlink College of the Philippines
  • Queenielyn C. Bultron Bestlink College of the Philippines
  • Vernalyn A. Campos Bestlink College of the Philippines
  • Mariphaz S. Salor Bestlink College of the Philippines
  • Trixie Mhey Santiago Bestlink College of the Philippines

Abstract

Ang makabagong mundo ng edukasyon. Ang paglaganap ng pandemya ang isa sa may malaking pagbabago na kinaharap ng mga mag-aaral. Gumamit ng makabagong sistema sa pag-aaral upang maipagpatuloy ang pagbibigay at pagkuha ng kaalaman ng bawat mag-aaral at kaguruan. Ang Online Distance Learning o Online Class ang naging kasangkapan tungo sa kapayapaan ng edukasyon sa bansang Pilipinas. Bagama’t may malaking naitutulong ang Online Learning sa iilang aspekto ng edukasyon, hindi mawawala ang mga nakalulungkot ng epekto nito. Nakita naming mga mananaliksik na isa na rito ang mabilisang pagbabago sa Ugali ng mga Mag- aaral. Katulad na lamang ng paggamit ng LMS ng mga mag-aaral ng Bestlink College of the Philippines, Kadalasang sabay-sabay kung gumamit ang mga mag-aaral ng LMS na nagdudulot ng pagkaantala at pag-eerror ng nasabing kagamitan, kung kaya’t ang mga mag-aaral ay nakararanas ng pagkabagot, pagkainis at mabilis kung magalit. Gayundin ang mahina o mabagal na Data Connection habang ginaganap ang Online na pag-aaral. Kasama rin ang pangyayaring uutusan ng kanyang magulang habang sya ay nasa kalagitnaan ng kanyang Online Class, kung kaya’t ang mag-aaral ay nakararamdam ng pagkairita at pagkainis.

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Pagbuo ng isang GabayDulotng Online Class sa Pag-uugali ng mga Piling Mag-aaral sa Ikatlong Taon sa Kolehiyo. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng deskriptibong pamamaraan dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ang Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay

nililimitahan lamang sa limampung (50) piling mag-aaral sa Ikatlong taon ng College of Teacher Education Medyor sa Filipino ng Bestlink College of the Philippines.Ang isang simple random sampling technique na piniling subset ng isang populasyon. Sa pamamaraang ito ng sampling, ang bawat miyembro ng populasyon ay may pantay na posibilidad na mapili.

Published

2024-04-22

How to Cite

Asinas, J. M. D., Bultron, Q. C., Campos, V. A., Salor, M. S., & Santiago, T. M. (2024). Pagbuo Ng Isang Gabay Dulot Ng Online Class Sa Pag-Uugali Ng Mga Piling Mag-Aaral Sa Ikatlong Taon Sa Kolehiyo. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(2). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13487