Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Asignaturang Filipino Ng Mga Piling Guro Sa Senior High School Sa Panuruang Taon 2022-2023
Abstract
Ang mabisang estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga guro ay nararapat lamang na kilalanin muna ng isang guro ang bawat indibidwal sa pagkakaiba nila para mas mabilis masolusyunan ng isang guro kung ano ba dapat ang gagawin niya sa kanyang mag-aaral upang mas mapadali ang pag-unawa sa kanyang mga mag-aaral at mapadali ang tungkulin ng gurong may iba't ibang mahahalagang tungkulin sa silid aralan. Ang guro din ay nagsisilbing liwanag sa silid aralan at napakarami ring responsibilidad na mula sa pinakasimpleng tungo sa pinaka komplikado. Ang guro ay kinakailangang may taglay at kakikitaan ng halimbawa bilang magandang modelo na may magagandang katangian na kakikitaan at magagaya ng kanyang mga mag-aaral ng sa gayon ay maging daan upang mas lalong mapag-ibayo ng estudyante ang kanyang pagpapahalaga sa asignatura batay sa kung anong mga magagandang impluwensya ng naidudulot ng guro sa kanyang pagtuturo ayon sa konteksto ng asignatura. Dahil sa pandemya na ito nakita ng mga mananaliksik ang ilan sa nagging suliranin pagdating sa pagtuturo ng mga guro na di maiwasan magbago ng mga estratehiya gawa ng pagbabago ng pag-aaral.
Layunin ng pag-aaral na ito na mapaunlad pa ang mga estratehiya. Naglalahad ang kabanatang ito ng disenyo ng pananaliksik mga napiling taga-tugon sa pag-aaral, paraan ng pananaliksik, instrumento ng pananaliksik, konstruksyon ng pananaliksik, balidasyon ng pananaliksik, administrasyon ng talatanungan, at istadistikal na pagsusuri ng mga datos, at iskala ng pagmamarka. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik na kung saan naglalaman ito ng open ended at close ended natalatanungan. Gumamit ang mga mananaliksik ng Purposive Sampling teknik. Ang mga napiling tagatugon sa pagaaral na ito ay ang mga guro sa Senior High School ng Bestlink College of the Philippines. Ang bilang ng respondente sa pag aaral na ito ay labing-limang (15) mga guro sa asignaturang Filipino. Ang ganitong uri na metodo ay nag nanais na mapaunlad ang mga estratehiya na ginagamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo sa Asignaturang Filipino.
Ang nalikom na datos ng mga mananaliksik ay nagmula sa mga guro sa Senior High School sa Bestlink College of the Philippines ay binigyan paliwanag naming mga mananaliksik upang makuha ang kabuuang bilang ng mga guro sa kung ano ang mga Estratehiya ng mga ito. Mula sa mga datos na nakalap ilan sa mga natuklasan ng mga mananaliksik na mas marami ang gumagamit ng Estratehiya na Recitation kaysa sa mga Graphic Organizer, Brainstorming, Pagpapanood ng Video na may kinalaman sa talakayan, Web Quiz, sa kabilang bahagi kakaunting bilang ng mga guro na gumagamit ng estratehiya na Role Playing at mas higit na nakakatuto sa mga mag-aaral ang mga estratehiya sa pagtuturo at ang mababang ranggo ay ang mas napapalawak ang talakayan at paghahanda sa pagtuturo.
Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng bilang ng mga guro na gumagamit ng mga iba’t ibang estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo gamit ang makabagong estilo para mas maging aktibo at epektibo ang mag aaral sa ikaapat na taon ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa College of Teacher Education ng Bestlink Collage of the Philippines , paggamit ng bahagdan ng mga respondente sa epekto ng pagtuturo tungo sa makabagong estilo o pamamaraan ng guro sa ikaapat na taon sa Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, matapos magamit ang dalawang naunang pormula gagamit ang mga mananaliksik ng Weighted Average upang mataya ang mean ng mga aytem ang weighted average (katamtamang bigat) ang ginamit samantala ang bilang ng kasapatan ng mga respondente sa bawat aytem sa ilalim ng kategorya ay ididibayd sa bilang ng respondente, at panghuli gagamit ng ranggo ang mga mananaliksik upang upang malaman ang pag sang ayon sa epekto ng pagtuturo sa mag aaral gamit ang iba’t ibang estratehiya sa pamamaraan o estilo na ginagamit ng mga guro. Pagkatapos mabigyan ng mga antas ang mga datos, ang mga mananaliksik ay gumawa ng Likert Scale / iskala para sa paglalarawan sa estratehiya at panukat sa estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga piling guro.
Mula sa mga kinalabasan ng pagsusuri ng mga datos upang mapaunlad ang ang mga estratehiya nararapat na , humanap ng makabagong estratehiya na makapagpapa engganyo sa mga mag aaral na matuto sa pamamaraang ito. Laging isipin na pa ghusayan sa lahat ng bagay. At bilang mag aaral dapat magkaroon ng Time management sa pag-aaral isa ito sa malaking tulong sa bandang huli, nasa mga mag aaral pa din ang susi tungo sa kanilang epektibong pag aaral.