Epekto Ng Paggamit Ng Online Class Sa Pag- Aaral Ng Piling Mag-Aaral Sa Unang Taon Sa Medyor Sa Filipino
Abstract
Ang online class ay umusbong nang magsimulang magkaroon ng pandemya sa ating bansa nga COVID-19 noong taong 2020. Naging daan ang online class upang maipagpatuloy ang pag aaral ng mga mag aaral kahit hindi pumupunta sa paaralan partikular na sa Bestlink College of the Philippines. Ito'y nangangailangan lamang ng mga kagamitan tulad ng kompyuter, o kahit anong gadyet at internet.
Naging malaking hamon ang panibagong paraan ng pag-aaral na ito sa ibat ibang larangan. Anuman ang husay ng mga guro sa kanilang pamamaraan at kagamitang panturo ay hindi pa rin magiging epektibo ang pagkatuto ng mga bata kung wala ang mga magulang na nagmomonitor sa kanilang mga anak sa bahay habang nasa online class ang bata. Mahalagang makipagugnayan ang mga guro sa mga magulang dahil ito ay isa sa mga estratehiya upang maging aktibo ang mga bata sa kanilang pagaaral. Sa pag-aaral na ito'y nalaman ng mga mananaliksik ang epekto ng paggamit ng online class sa mga piling mag-aaral mula sa unang taon sa kolehiyo sa BSED medyor sa Filipino, natukoy at nailahad sa pag-aral na ito kung angkop bang gamitin ang online class sa makabagong panahon bilang ganap na pantulong sa pagtuturo.
Ang isinagawang pananaliksik na ito ay patungkol sa epekto ng paggamit ng Online class sa piling mag-aaral mula sa unang taon sa kolehiyo sa Medyor sa Filipino. Ito ay ginamitan ng deskriptong metodolohiya, pinili ng mga mananaliksik. Ang descriptive survey research design na gumagamit ng talatanungan upang malikom ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang disenyong ginamit ay ang angkop para sa paksa dahil mas mapapadali ang pangangalap ng mga datos na isinasagawa at naiintindihan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang descriptive survey research design ay nababagay sa pagaaral na isinasagawa kahit limitado lamang ang kanilang respondente. Ito ay dahil hindi lamang sila nakadenpende sa mga sagot sa kanilang talatanungan kundi maaari rin silang magsagawa ng panayam at obserbasyon upang idagdag sa mga nakalap nilang datos at impormasyon. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos sa paaaralan ng Bestlink College of the Philippines. Ang mga ito ay nagpasagot sa apatnapu (40) na mga mag-aaral sa unang taon ng BSED medyor sa Filipino Panuruang taon 2022-2023. Sila ang aming napiling respondente dahil nais naming malaman kung paano nakaka-apekto sa kanila, Bilang isang mag aaral ang pag gamit ng Online class Mula sa unang taon sa kolehiyo sa Medyor sa Filipino. Makikita sa bahaging ito ang frequency at bahagdan ng bawat respondente ayon sa kanilang edad na 35 o 87.5% ng mga estudayante na kabilang sa edad na 20 na taong gulang, kung saan ito ay mayroong pinakamataas na bahagdan. At mula sa ikalawa pinapakita na ang frequency at bahagdan ng respondente ayon sa kanilang mga kasarian 34 o 85% na babae ang pinakamataas na sumagot sa talatanungan at may pinaka mataas na ranggo. At mula sa ikatlo, Matatagpuan ang frequency at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang mga 17 o 42.5% ang pinakamataas na nakuha sa paggugol ng oras sa Online class ng mga estudyante sa paggamit ng online learning mode. Dulot ng makabagong paraan ng pag-aaral ito ay nagpapakita sa bawat talahanayan ng weighted mean at bahagdan ng mga respondente ayon sa epektong dulot ng makabagong paraan ng pag-aaral 3.35 ang grand mean nito. At 3.625 ang mean at nakakuha ng pinaka mataas na ranggo. Sa pananaw sa Online class ito ay nagpapakita ng weighted mean ay nakakuha ng mataas na Mean na may 4.45 na lubos na nakaaapekto sa paggamit ng online learning mode, weighted mean at bahagdan ng mga respondente ayon sa ayon sa pananaw ng online class at sa bawat na nararamdaman ng mga estudyante sa iba't-ibang platform extensions for Google Classroom, Google Meet, and Zoom. Ipinapakita sa talahanayan ng weighted mean at bawat bahagdan ng bawat respondente na nakakuha na Mean 3.55 na kailangan pang linangin ang kanilang kaalaman sa paggamit ng online learning mode sa online class. Sa pagpapaunlad ng kaalaman at kahusayan sa pag-aaral ng asignaturang Filipino hinggil sa epekto nito. Ang talahanayan ay nagpapakita ng weighted mean at bahagdan ng mga respondente ayon sa mula sa unang aytem nito ay nakakuha ng may Mean na 4 ito ay madalas na nakaaapekto ayon sa pagpapaunlad ng kaalaman. Panghuli na posibleng rekomendasyon ang bawat talahanayan ay nagpapakita ng weighted mean at bawat bahagdan ng bawat respondente ayon sa mula sa unang aytem ito ay nakakuha ng mayroong mean na 3.475 na naaayon sa kanilang isinagot sa talatanungan.