Mga Sanhi at Epekto ng Pagliban sa Virtual Class ng mga Mag-aaral sa Bestlink College of the Philippines: Isang Sarbey P.T 2021-2022
Vol.3, No.1C
Abstract
Ang pagliban ng mga mag-aaral sa Virtual Class ay kinakikitaan ng mga iba’t ibang sanhi tulad ng problemang pinansyal, kakulangan sa kagamitan, impluwensya ng kaibigan, libangan at pagkakaroon o may nararanasang isyu sa kalusugang pangkaisipan na kung saan tinatanaw nito ang maaaring epekto ng labis na pagliban batay sa tuntunin ng academic performance, kasanayan at kabuuang marka o grado. Kung kaya’t minabuting pag-aralan ang ganitong paksa upang magabayan ang mga mag-aaral patungkol sa mga maidudulot ng patuloy na pagliban sa klase higit na sa kasalukuyang hinaharap na pandemya.
Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. Ang mga mananaliksik ay pumili ng (10) mag-aaral mula sa Ikatlong Taon ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa departamento ng College of Teacher Education sa Bestlink College of the Philippines na kung saan sila ay sumagot sa inihandang talatanungan ng mga mananaliksik. Ang pamamaraan na ito ay akma o angkop sa pangangailangan ng pag-aaral. Ang pamamaraang purposive sampling teknik ang ginamit ng mga mananaliksik sa pagpili ng mga respondente.