Mga Salik sa Pagpapaunlad ng Kakayahang Pangwika at Pangkomunikasyon ng mga Filipino Major: Gabay Tungo sa Epektibong Pagtuturo

Vol.3, No.1C

Authors

  • Charles Jhurris B. De Leon Bestlink College of the Philippines
  • Rachelle Ann C. Furio Bestlink College of the Philippines
  • Keichia Anne Mae P. Pato Bestlink College of the Philippines
  • Yvana Quenee N. Suya Bestlink College of the Philippines

Abstract

Ang pakikipagtalastasan ay isang malaking bahagi sa pang- araw-araw na pamumuhay ng tao at nagsisilbing tagapag-ingat at nagpapalawak ng mga karunungan at kaalaman. Maging sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin ay nangingibabaw ito. Kaya’t mahalaga ang maayos na paggamit ng wika na siyang pangunahing instrumento ng komunikasyon sa pagkatuto at pagbabahagi ng kaalaman ng isang tao sa lipunan, tahanan, pamahalaan, at paaralan. Batay sa obserbasyon ng mananaliksik, karamihan o ilan sa mga mag-aaral ay patuloy na nababawasan ang interes sa pag-aaral ng asignaturang Filipino at nagreresulta ito ng kahirapan sa pagkatuto higit lalo na kapag sila ay nasa mas mataas na antas ng edukasyon. Sa mga nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino at kasalukuyang guro, isa ito sa mga suliranin na dapat pagtuunang pansin. Sa kabilang banda para sa mga Filipino Major at kasalukuyang guro na siyang pangunahing pokus ng pag-aaral na ito, ay may malaking hamon na kahaharapin sa dulog, teknik, at pamamaraan na kanilang gagamitin sa pagtuturo. Upang manumbalik ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Filipino. Kaya naman ang pag-aaral na ito ay naglalayong magsaliksik ng mga salik sa pagpapaunlad ng kakayahang pangwika at pangkomunikasyon at makabuo ng isang gabay tungo sa epektibong pagtuturo.

 

Ginamit sa pag-aaral na ito ay ang palarawang pamamaraan o deskriptibong pamamaraan. Ang paraang ito ay akma o angkop sa pangangailangan ng pag-aaral. Layunin nito na tuklasin ang kamalayan sa pagpapaunlad ng kakayahang pangwika at pangkomunikasyon ng mga respondente na may kaugnayan sa pagtuturo ng Asignaturang Filipino ng mga apatnapung (40) piling mag-aaral ng Filipino Major sa ikatlong antas sa College of Teacher Education mula sa Bestlink College of the Philippines Taong Panuruan 2021-2022. Ang mananaliksik ay gumamit ng simple random teknik sa pagpili ng mga respondente sa pag-aaral na ito. Kaya’t hiningi ang listahan ng mga pangalan ng mga Filipino Major na nasa ikatlong antas na siyang pipiliing respondente sa pamamagitan ng Fishbowl Draw Method.

Published

2024-04-22

How to Cite

De Leon, C. J. B. ., Furio, R. A. C. ., Pato, K. A. M. P. ., & Suya, Y. Q. N. . (2024). Mga Salik sa Pagpapaunlad ng Kakayahang Pangwika at Pangkomunikasyon ng mga Filipino Major: Gabay Tungo sa Epektibong Pagtuturo: Vol.3, No.1C. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(1C). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13094