Mga Pananaw ng Mag-aaral sa Mungkahing ROTC Kurikulum bilang Kinakailangang Asignatura sa Kolehiyo: Isang Pagsusuri
Vol.3, No.1C
Abstract
Ang ROTC ay isang programang naglalayong mapabuti ang sibikong kamalayan at paghahanda sa mga estudyante para sa depensang nasyonal. Hangarin nitong maituro at maitatak sa kaisipan ng bawat kabataan ang malawig na kahulugan at kahalagahan ng disiplina. Sinasalamin nito ang katapangan at pagmamahal ng kabataang Pilipino bilang mamamayan sa bansa.
Ang pagpapasabatas nito ay dahil na rin sa hangarin na sa pamamagitan nito magagawang maikintal sa kabataang mamamayan ang patriyotismo at pagmamahal sa bansa. Nagpakita ng suporta ang ilan. Kalakip ng pagsuporta nito, may ilan ring bumatikos rito, Kaya’t naging pangunahing layunin ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay masuri ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa mungkahing ROTC kurikulum bilang kinakailangang asignatura, mahalagang sila ay makapagbigay ng kanilang pananaw at maihayag ang kanilang saloobin at ang suliraning kinakaharap patungkol sa pagtatalagang muli ng ROTC, upang malaman at mabigyang solusyon ang maaaring dulot nito.