Mga Pamamaraan sa Pagtuturo ng Panitikan ng mga Dalubguro sa Filipino sa Bestlink College of the Philippines: Isang Pagsusuri

Vol.3, No.1C

Authors

  • Juvelyn L. Bustamante Bestlink College of the Philippines
  • Cristine Joyce E. Gapas Bestlink College of the Philippines
  • Yusra K. Mando Bestlink College of the Philippines
  • Dessy A. Onting Bestlink College of the Philippines
  • Trisha M. Sallador Bestlink College of the Philippines

Abstract

Ang pagiging isang guro ay isang mapaghamong propesyon na nagbubunga ng mahusay at matalinong pagtuturo gamit ang mga pamamaraan sa pagtuturo ng panitikang Filipino. Kaya naging pangunahing tunguhin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang pagtukoy kung anong pamamaraan ang mas epektibong gamitin sa pagtuturo ng panitikan para matuto at maunawaan higit pa ng mga mag-aaral ang mga talakayan, at upang makita ang mga estilong kailangan pang mapabuti sa pamamaraang pagtuturo ng panitikang Filipino. Maipapakita rin sa pag-aaral na ito ang iba’t ibang pamamaraan na ginagamit sa pagtuturo ng panitikan ng mga guro sa Filipino sa Bestlink College of the Philippines sa Taong Panuruang 2021-2022.

 

Ang isinasagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang deskriptib na pananaliksik na gumagamit ng talatanungan (survey) para makalap ang mga datos. Ito ay angkop na disenyo sa pag-aaral sapagkat layunin ng mga mananaliksik ay malaman ang mga pamamaraan sa pagtuturo ng panitikan. Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay labinglima (15) mula sa guro sa Filipino sa College of Teacher Education sa Panuruang Taon 2021- 2022. At ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling technique sa pagpili ng respondente ng kanilang pag-aaral, sa pagaaral na ito, ang purposive sampling ay ginagamit ng mga mananaliksik upang makakuha ng impormasyon mula sa piling respondente.

Published

2024-04-22

How to Cite

Bustamante, J. L. ., Gapas, C. J. E. ., Mando, Y. K. ., Onting, D. A. ., & Sallador, T. M. . (2024). Mga Pamamaraan sa Pagtuturo ng Panitikan ng mga Dalubguro sa Filipino sa Bestlink College of the Philippines: Isang Pagsusuri: Vol.3, No.1C. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(1C). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13091