Mga Hamon na Kinakaharap ng mga Nagtatrabahong Mag-aaral sa Gitna ng Pandemya sa Bestlink College of the Philippines: Tungo sa isang Gabay
Vol.3, No.1C
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Mga Hamon na Kinakaharap ng mga Nagtatrabahong Mag-aaral sa Gitna ng Pandemya sa Bestlink College of the Philippines sa Panuruang Taon 2021-2022: na may layong magbigay impormasyon na makatulong sa mga mag-aaral upang matukoy ang epekto ng pandemya sa kanilang kalagayan bilang isang mag-aaral. May panibagong hamon na haharapin ang mga kaguruan,magulang, at sa nagtatrabahong mag-aaral. Dahil sa pandemyang nararanasan natin ngayon. Ayon sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik, kanilang pinasya ang hamon na kinakaharap ng nagtatrabahong mag-aaral sa gitna ng pandemya sa kanilang kalagayan lalo na sa pinansyal at oras ng pagtatrabaho at pag-aaral ng mga mag-aaral sa Bestlink College of the Philippines bilang isang sarbey na makatulong upang lalo pa mabigyan ng atensyonang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan at sila ay makasabay sa mabilis na pag-unlad sa gitna ng pandemyang ito.
Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan, kinalahukan ito ng tatlumpung (30) piling mag-aaral mula sa ika-apat na taon sa BSED Filipino Major ng College of Teacher Education sa paaralan ng Bestlink College of the Philippines, na kung saan sila ay sumagot sa inihandang talatanungan ng mga mananaliksik. Ang pamamaraan na ito ay akma at angkop sa pangangailangan ng pag-aaral.