Mahusay na Paggamit ng mga hindi Pamilyar na Salita sa Filipino ng mga Mag-aaral sa Bestlink College of the Philippines P.T 2021-2022

Vol.3, No.1C

Authors

  • Armina L. Bascon Bestlink College of the Philippines
  • Janette V. Calderon Bestlink College of the Philippines
  • Marjorie A. Ervas Bestlink College of the Philippines
  • John Evan F. Salazar Bestlink College of the Philippines

Abstract

Ang mga hindi pamilyar na salita sa Filipino ay hindi na madalas magamit o marinig sa ngayon, dahil na rin sa mga naguusbungan na makabagong salita. Bilang isang wikang buhay, patuloy ang mga pagbabago sa wikang Filipino. Kung kaya’t minabuting pag-aralan ang ganitong paksa upang mas mapagyabong at mabigyang pansin ang ating mga makalumang salita at ito ay maipasa pa sa mga susunod na henerasyon.

 

Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay ginamitan ng deskriptibong pamamaraan. Limampung (50) mag-aaral na mula sa Ikaapat na taon ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa departamento ng College of Teacher Education sa Bestlink College of the Philippines ang lumahok sa pag-aaral na ito, kung saan sila ay tumugon sa talatanungang inihanda ng mga mananaliksik. Ang pamamaraan na ito ay akma sa pangangailangan ng pag-aaral. Ang pamamaraang Simple Random Sampling Teknik ang ginamit ng mga mananaliksik sa pagpili ng mga respondente. Sa pamamagitan nito ang mga respondente ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo.

Published

2024-04-22

How to Cite

Bascon, A. L. ., Calderon, J. V. ., Ervas, M. A. ., & Salazar, J. E. F. . (2024). Mahusay na Paggamit ng mga hindi Pamilyar na Salita sa Filipino ng mga Mag-aaral sa Bestlink College of the Philippines P.T 2021-2022: Vol.3, No.1C. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(1C). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13088