Epekto ng Virtual Class Academic Performance ng mga Mag-Aaral ng BSED Filipino sa Bestlink College of the Philippines: Tungo sa Isang Gabay

Vol.3, No.1C

Authors

  • Jovelyn F. Bardaje Bestlink College of the Philippines
  • Rhea A. Bolibol Bestlink College of the Philippines
  • Emeree Grace R. Castillo Bestlink College of the Philippines
  • Patricia Jellaine Daayan Bestlink College of the Philippines
  • Jonalyn M. Nacional Bestlink College of the Philippines

Abstract

Malayo na ang narating at nabago sa sistema ng ating     edukasyon dulot ng mga makabagong teknolohiya. Napapaunlad nito ang paraan ng pagtuturo ng mga guro at ang pagkatuto ng mga magaaral sa pagkakaroon ng mga makabagong sistema ng pagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral. Bilang naging balakid ang pandemyang ito dulot ng nagbunsad ng maraming epekto hindi lamang sa mag aaral gayundin sa magulang at mga guro. Ang nagtulak sa mga mananaliksik na isagawa ang naturang pananaliksik ay mabatid ang epekto ng virtual class sa academic performance ng mga mag aaral ng BSED Filipino. Kaya naging pangunahing tunguhin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang pagtukoy sa epekto ng Virtual Class sa mga mag-aaral, magulang at guro. Gayundin sa suliranin na kinakalap ng mga respondente sa Virtual Class. Maipapakita sa pag-aaral na ito kung paano napapaunlad ang Academic Performance ng mga magaaral sa Bsed Filipino sa Bestlink College of the Philippines sa taong panuruang 2021-2022. 

 

Ang isinasagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang deskriptib na pananaliksik na gumagamit ng pakikipanayam sa pamamagitan ng online application (facebook, messenger at google form) para makalap ang mga datos. Layunin nito na malaman ang Epekto ng Virtual Class Sa Academic Performance ng mga mag-aaral ng Bsed Filipino, Ito ay may limangpu (50) na mga respondente mula sa mga mag-aaral ng sa BSED Filipino sa BCP sa Panuruang 2021-2022.

 

Ang mananaliksik ay gumagamit ng simple random sampling upang matukoy ang magiging resulta sa pag-aaral na ito. Isang uri ito ng nonprobability o nonrandom sampling na ibinabatay ang pagpili sa random na layunin ng pag-aaral at sa pasya ng pananaliksik kung ano ang kailangang malamang impormasyon.

 

Published

2024-04-22

How to Cite

Bardaje, J. F. ., Bolibol, R. A. ., Castillo, E. G. R. ., Daayan, P. J. ., & Nacional, J. M. . (2024). Epekto ng Virtual Class Academic Performance ng mga Mag-Aaral ng BSED Filipino sa Bestlink College of the Philippines: Tungo sa Isang Gabay: Vol.3, No.1C. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(1C). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13072