Epekto ng Pandemya sa mga Estratehiya ng Pagtuturo ng mga Guro sa Filipino sa Bestlink College of the Philippines sa P.T. 2021-2022

Vol.3, No.1C

Authors

  • Kris L. Aguilar Bestlink College of the Philippines
  • Adelwisa R. Asis Bestlink College of the Philippines
  • Margie M. Lucañas Bestlink College of the Philippines
  • Eugene L. Quintos Bestlink College of the Philippines
  • Joanna O. Ramoya Bestlink College of the Philippines

Abstract

Ang mga guro ang tinatanaw na katuwang ng mga magulang at lipunan sa paghubog ng pagkatao ng mga mag-aaral sa bawat taon na dumaraan. Sa pamamagitan ng ibat-ibang estratehiya sa pagtuturo ay naipapakita ang mabisang pagtuturo ng isang guro tungo sa pagkatuto ng kanilang mag-aaral. Ang mga guro ang nagsisilbing instrumento upang matamo ng mga mag-aaral ang inaasam na tagumpay sa darating na panahon, ngunit paano kung sa kabila ng hindi inaasahang suliranin tulad ng pandemya ay mababago ang lahat, paraan ng pagtuturo, at paraan ng pagkatuto ng isang bata. Kung kaya, ang guro ay nahaharap sa pagsubok kung paano niya mapapabuti ang pagtuturo para sa inaasam-asam na layunin. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito maipapakita kung ano ang naging epekto ng pandemya sa mga estratehiya ng pagtuturo ng mga guro at kung paano ito nasolusyunan upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral. 

 

Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. Kinalahukan ito ng labinlimang (15) piling guro ng Filipino sa Bestlink College of the Philippines na kasalukuyang nagtuturo sa College of Teacher Education na kung saan sila ay sumagot sa inihandang talatanungan ng mga mananaliksik. Ang pamamaraan na ito ay akma at angkop sa pangangailangan ng pag-aaral. 

 

Ang pamamarang purposive sampling technique ay ginamit ng mga mananaliksik sa pagpili ng mga respondente dahil ilang mga guro lamang ang kinakailangan at ito ay ang labinlimang guro (15) na kasalukuyang nagtuturo ng Filipino.

Published

2024-04-22

How to Cite

Aguilar, K. L. ., Asis, A. R. ., Lucañas, M. M. ., Quintos, E. L. ., & Ramoya, J. O. . (2024). Epekto ng Pandemya sa mga Estratehiya ng Pagtuturo ng mga Guro sa Filipino sa Bestlink College of the Philippines sa P.T. 2021-2022: Vol.3, No.1C. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(1C). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13069