Epekto ng Paggamit ng Salitang Balbal sa Personalidad ng mga Mag-aaral ng Bestlink College of the Philippines sa Panuruang Taon 2021-2022
Vol.3, No.1C
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay tatangkaing malaman ang epekto ng paggamit ng salitang balbal dahil mahalaga ito para sa pagpapalawak nang pang-unawa ng salitang balbal sa mga mag-aaral at maging sa mga kaguruan. Dahil sa pag-aaral na ito ay maaring malaman ang epekto ng mga salitang balbal sa personalidad ng mga mag-aaral.
Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan kung saan ipinaliwanag nang buong husay ang epekto ng salitang balbal sa personalidad ng mga mag-aaral. Kami ay pumili ng limampung (50) mag-aaral na kung saan nahahati sa walong (8) medyor mula sa ikatlong taon ng College of Teacher Education ng Bestlink College of the Philippines. Kami ay pumili ng pito (7) sa Filipino at English major. Anim (6) naman sa Socscie, Math, Values, Science, TLE, BPED major sa Panuruang taon 2021-2022. Ang pamamaraan na ito ay gumamit ng “Simple random sampling technique”. Sa ganitong uri ng sampling mas madaling matukoy ng mga mananaliksik ang mga respondente.