Epekto Ng Paglaganap Ng Wikang Balbal: Isang Kamalayan Na Magagamit Ng Mga Mag-Aaral Sa Programang Pampaaralan

Authors

  • Nathalia Grace C. Catalan Bestlink College of the Philippines
  • Rose N. Dialino Bestlink College of the Philippines
  • Francis Leah H. Dizon Bestlink College of the Philippines
  • Isabelita T. Lambot Bestlink College of the Philippines
  • Jessa C. Ursal Bestlink College of the Philippines
  • G. Dominador J. Rilon Jr.,MAEd. Bestlink College of the Philippines

Abstract

Sa panahon ngayon ang wikang “balbal” ay isa sa mga wikang madalas na ginagamit ng mga kabataan sa larangan ng komunikasyon, masasabing naging maunlad ang wika sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagbabago. Ang wikang balbal ay dapat nating pagtuunan ng pansin sapagkat maaari itong magdulot sa atin ng negatibo at positibong epekto. Ang pag-aaral na ito ay may tunguhing pag-aralan ang Epekto ng paglaganap ng wikang balbal sa mga mag-aaral sa kolehiyo ng Bestlink College of the Philippines. Kaya’t layunin ng mga mananaliksik na matuklasan kung bakit patuloy itong ginagamit ng mga Pilipino sa larangan ng komunikasyon. Layunin din ng mga mananaliksik na makatulong ang pag-aaral sa mga kabataan na mas maging malawak ang pag-unawa hinggil sa wika.

Ang pag-aaral na ito ay hinggil sa Epekto ng Paglaganap ng Wikang Balbal: Isang kamalayan na magagamit ng mga mag-aaral sa programang pampaaralan. Ang mga mananaliskik ay gagamit ng deskriptibong pamamaraan sa talatanungan upang makalikom ng datos. Ang naging respondente ng pag-aaral na ito ang pagtukoy sa apatnapu (40) na napili mula sa Ikatlong taon ng mag-aaral sa Kolehiyo ng Bestlink College of the Philippines. Ang mananaliksik ay gumamit ng simple random sampling technique para sa pagpili ng respondente. Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik upang makakalap ng datos na kakailanganin sa pag- aaral ay ang talatanungan at pakikipanayam upang makakalap ng datos mula sa respondente. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pagbabagi ng mga talatanungan upang makakalap ng kasapatang datos na hahanguan ng interpretasyong nang sa gayon ay makamit ang layunin ng pananaliksik. Batay sa isinagawang sarbey, mayroong apatnapu (40) piling mga mag-aaral ang nagbigay tugon sa talatanungan ibinahagi ng mga mananaliksik. Samakatuwid, ang naging kasagutan ng mga respondente, nakabuo ng interpretasyon ang mga mananaliksik patungkol sa paksang napiling pag-aralan. Nang matapos ang pagsasarbey, ang mga mananaliksik ay gumamit ng istatistikal na pamamaraan upang ang mga datos na nakalap upang masigurado ang kalidad ng mga impormasyon. Natuklasan sa pag-aaral na ito na maraming iba’t ibang kadahilanan kung bakit patuloy na lumalaganap ang wikang balbal sa loob man o labas ng paaralan. Nakasaad sa resulta ng pag-aaral, ang kadalasang edad mga mag-aaral mula sa ikatlong taon sa kolehiyo ng Bestlink College of the Philippines ay may gulang na dalawampu’t isa (21) hanggang dalawampu’t tatlo (23) taon. Para sa kasarian ng mga mag-aaral, makikita na mas mataas ang bilang ng babae kaysa sa lalaki. Ayon sa nakuhang datos ng mga mananaliksik mula sa talatanungan, nangangahulugan na ang wikang balbal ay nagdudulot ng positibo at negatibong epekto sa mga mag-aaral.

Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang kadahilanan sa patuloy na paggamit ng wikang balbal. Karamihan naman sa mga mag-aaral napiling ipagpatuloy ang paggamit ng wikang balbal sapagkat ito ay nakatutulong na mapalawak ng kanilang kaalaman. Batid nilang mas napapadali ang pakikipagsalamuha gamit ang wikang balbal. Ang mga mag-aaral ay nagsasabi na nagiging epektibo ang paggamit ng wikang balbal dahil nagkakaroon ito ng kalayaang gamitin ang kahit anong salita.

Published

2024-04-22

How to Cite

Catalan, N. G. C., Dialino, R. N., Dizon, F. L. H., Lambot, I. T., Ursal, J. C., & Rilon Jr.,MAEd., G. D. J. (2024). Epekto Ng Paglaganap Ng Wikang Balbal: Isang Kamalayan Na Magagamit Ng Mga Mag-Aaral Sa Programang Pampaaralan. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(2). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13497