Mga Hamon na Kinakaharap ng BSED Filipino Kurikulum sa Bestlink College of the Philippines: Isang Pagsusuri Tungo sa Pag-Unlad

Vol.3, No.1C

Authors

  • Marry Joy B, Canuel Bestlink College of the Philippines
  • Loressa N. Gajes Bestlink College of the Philippines
  • Rowena V. Herminigildo Bestlink College of the Philippines
  • Shiela Mae N. Quindo Bestlink College of the Philippines
  • Marinella C. Quitola Bestlink College of the Philippines

Abstract

Ang pagpapaunlad ng isang mamayan ay nagmumula sa edukasyon, kinakailangan mapahusay at mapabuti ang kurikulum na ibibigay sa mga mag-aaral. Kaya’t  naging  pangunahing  layunin  ng  mga  mananaliksik  na  pag-aralan  ang  mga  hamon na kinakaharap  ng  BSED  Filipino  Kurikulum  sa  Bestlink  College  of  the  Philippines. 

 

Ang isinigawang pag-aaral ng mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. Sa pagpili ng mga respondente gumamit ang mga mananaliksik ng purposive sampling technique  na kung  saan  ang  napiling  sampung  (10)  respondente mula sa una at ikaapat na taon na nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Bestlink College of the Philippines. 

   

Ayon sa demograpikong propayl ng mga respondente  ipinakita na ang edad 20-29  na taong  gulang na may  pinakamataas  na  bahagdan  na  may  70% at ito  ay  nasa  unang  ranggo. Sa kasarian,  ang kababaihan  ang  may pinakamataas na bilang ang nakilahok  sa  pananaliksik,  nakakuha ito ng 60%  na  bahagdan  at  una ranggo. Batay sa kalagayang  sibil,  ang  mga  binata  o  dalaga  ang nanguna  sa  ranggo  at  may  60%. bahagdan. Sa antas ng  Edukasyon, mas  maraming  tumugon ang may  MA  Unit  at ito ang  nasa  unang  ranggo  na may  62% na bahagdan. Ayon sa bilang ng taon  sa  pagtuturo, ang  2-5  taon  ang  may  pinakamataas  na  bahagdan, ito  ay  nakakuha  ng  50%  at  una  sa  ranggo. Sa dinaluhang seminar, ipinakikita  rito  na  ang  nasa  unang  ranggo  ay  ang  “pampaaralan”  na  mayroong 30% na bahagdan. Ayon nilalaman ng BSED  Filipino  Kurikulum  batay  sa  “kaayusan”, ang  “tamang  nilalaman”  at  ang  “mahusay  na  maihanda  ang  kalipunan  ng  kurso  at  gawaing  pampagkatuto”, ay kapwa nakakuha ng pinakamataas  na  weighted  mean  na  4.8 at  pantay  sa  una’t  kalahating ranggo. Sa “implementasyon”, ang “magtamo ng  mga  kaalaman,  makahubog  ng  mga  kanais-nais  na  pag-uugali  at  matutunan  ang  mga  moral  at  ispiritual  na  pagpapahalaga  sa  kurikulum” ang  nangunguna  sa  ranggo  at may  weighted  mean  na 4.9. Sa “hanay ngkaguruan” ang “paggamit  ng  mga  guro  ng  iba’t ibang  istrayehiya  sa  pagkatuto”  ang  nakakuha  ng  pinakamataas  na  ranggo  at  may  weighted  mean  na  4.9. At panghuli, ayon sa Problema na   kinakaharap ng BSED Filipino kurikulum sa Bestlink College of the Philippines, na ang “kakulangan  sa  kaalaman  sa  paggamit  ng  gadgets”  ang  may  pinakamataas  na  weighted  mean  na  

 

Ang  ipinakitang  resulta  ng  pag-aaral  ay  nakatulong  sa  mga  magulang,  guro,  administrasyon  ng  paaralan  at  sa  mga  mag-aaral  upang  mabigyan  ng  sapat  na  kaalaman  sa  kung  ano  ang  makakatulong  upang  mas  maging  epektibo  ang  pag-aaral  ng  Filipino  Kurikulum.

 

Published

2024-04-22

How to Cite

Canuel, M. J. B. ., Gajes, L. N. ., Herminigildo, R. V. ., Quindo, S. M. N. ., & Quitola, M. C. . (2024). Mga Hamon na Kinakaharap ng BSED Filipino Kurikulum sa Bestlink College of the Philippines: Isang Pagsusuri Tungo sa Pag-Unlad: Vol.3, No.1C. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(1C). Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/13089