Isang Pahambing na Pag-aaral ng Wikang Kankanaey sa Wikang Pambansa
Keywords:
Pahambing na Pag-aaral, Wikang Kankanaey, Wikang PambansaAbstract
Layon ng pag-aaral na ito na paghambingin ang wikang Filipino sa isang katutubong wika na sinasalita sa pinakamalaking pangkat-etniko sa bulubundukin ng Hilagang Luzon-ang wikang Kankanaey at ang pokus ng paghahambing ay ang Morpolohiya. Ito ang makaagham na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang yunit ng mga salita. Ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang salita namay angking kahulugan na maaring panlapi o salitang ugat at ang mga uri ng morpema sa wikang Filipino na binigyang-tuon sa pag-aaral ay ang Morpemang Ponema, Morpemang Salitang-ugat at Morpemang Panlapi.
Gumamit ng magkahalong pamamaraan ang mananaliksik, ito ang isahang panayam at tutok na grupong talakayan upang malaman at matiyak kung ano ang katumbas ng mga salitang Filipino sa wikang Kankanaey. Kinapanayam ang mga taong mula pa sa Benguet at Mountain Province na naninirahan at nagtatrabaho sa Maynila na kinagisnan at tunay na sinasalita ang wikang Kankanaey.
Natuklasan na walang Morpemang Ponema na /a/ at /o/ sa pagtukoy ng kasarian sa wikang Kankanaey. Sa Morpemang Salitang-ugat, may mga salita sa katutubong wika na napapalitan lamang ng tig-isangtitik gaya ng L-R, A-E, at I-E ngunit may mga salita na wala talagang naging pagbabago. Magkapareho ng baybay at kahulugan at may mga salita rin na may ganap na pagbabago. Hindi magkapareho sa baybay. Sa Morpemang Panlapi nakita na sa aspekto ng Pandiwa ng mga salita ay magkaibang panlapi ang ginagamit ng dalawang wika.
Sa Kankananey: (Naganap na) nan/um+ salitang-ugat; (Nagaganap) nan/man/um+ unang pantig ng salitang-ugat+ salitang-ugat; (Magaganap pa lamang) man+ salitang-ugat o di kaya’y um+ salitang-ugat na katulad lamang ng salitang naganap na.
Sa wikang Filipino: (Naganap na) na/nag/um+ salitang-ugat; (Nagaganap) na/nag/um+ unang pantig ng salitang-ugat+ salitang-ugat; (Magaganap pa lamang) mag/ma+ unang pantig ng salitang-ugat+ salitang-ugat o 'di kaya’y unang pantig ng salitang-ugat+ salitang-ugat.
Mula sa nakitang paghahambing ay iminumungkahi ng mananaliksik na maari itong maging batayan sa mga pahambing na pag-aaral ng iba pang katutubong wika na mayroon sa Pilipinas. Makatutulong din itopara sa pagkakaroon ng kamalayan nang mas maraming Pilipino sa kultura at wika ng iba pang mga lugar sa bansa bukod sa mga pangunahing wika na mayroon sa Pilipinas. Mula sa mga pahambing na pag-aaral na isasagawa, maaaring makalikha ng mga manwal upang matutuhan pareho ang wikang katutubo at ang wikang pambansa.
Published
Issue
Section
License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.
Copyright & Disclaimer
Copyright© 2017
Copyright for the texts which include all issues of Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Conference Proceedings are held by the AAMJRCP, except if otherwise noted. The compilation as a whole is Copyright© by AAMJRCP, all rights reserved. Items published by AAMJRCP may be generously shared among individuals; however, they may NOT be republished in any medium without express written consent from the author(s) and advance notification of the AAMJRCP Editorial Board. For permission to reprint articles published in the AAMJRCP, please contact the Editorial Board at publications@ascendensasia.com.
Disclaimer
Facts and opinions published in Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Conference Proceedings (AAMJRCP) express solely the opinions of the respective authors. Authors are responsible for their citing of sources and the accuracy of their references and bibliographies. The editors cannot be held responsible for any lack or possible violations of third parties’ rights. Interested parties may also directly contact authors to request for full copies of the journal proceedings.