Epektong Dulot ng Pamumuno ng SSG sa Pananatili ng mga Mag-Aaral ng Pila Senior High School

Authors

  • Noriel Del Rosario

Keywords:

Pamumuno Katungkulan at Responsibilidad

Abstract

INTRODUCTION

Ang paghubog sa kamalayan ng bawat isa ay nagmumula sa kanyang personal na katangian. Ang mga taong magsisilbing tanglaw sa dilim na kinakaharap ng isang partikular na organisasyon; isang pangkat na makakatuwang ng mga mag-aaral tungosa pagkamit ng magandang kinakabukasan. Ang Supreme Student Government (SSG) ang nagsisilbing mata at bibig ng bawat mag-aaral upang makamit ang anumang mithiin. Tungkulin nito na bigyang importansiya ang disiplina at pagkatao na ipinapakita ng bawat mag-aaral sa loob ng paaralan.Isa sa suliraning kinahaharap ng paaralan ay ang palagiang pagliban ng mga mag-aaral na nagbubunga ng mababang kasanayan sa loob ng silid-aralan, na minsan pa ay nagdudulot ng pagtigil ng mag-aaral o pagkakamit ng mababang marka sa kanilang asignatura. Ang ganitong suliranin ay nadudulot ng mababang antas ng kasanayan ng isang paaralan, pagbaba ng achievement rate at pagdami ng dropped out rate.

 

METHODS

Ang pag-aaral na ito ay inihanda sa loob ng isang buwan na naglalayong sukatin at bigyang pansin ang pagbaba at pagtaas ng lumiliban sa paaralan. Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa 50 mag-aaral, baitang 12 mula sa Pila Senior High School, Brgy. Pinagbayanan, Pila, Laguna.

 

RESULTS

Ang istatistikal na pamamaraan na ginamit sa pananaliksik ay weighted mean at standard deviation para sa pagsagot sa epekto ng pamumuno ng SSG sa pananatili ng mga mag-aaral sa paaralan at sa pagsusuri ng atendans.1.Batay sa talahanayan 1, ito ay nagpapakita ng kabuuang mean na 3.86 at kabuuang SD na mayroong 1.06. Nangangahulugan na ang mag-aaral ay sumasangayon sa pamumuno ng SSG sa loob ng paaralan.2.Pinapakita naman ng talahanayan 2, na may kabuuang mean na 3.96 at kabuuang S.D na 0.92. Nangangahulugan na ang mga mag-aaral ay sumasang-ayon sa mga talatanungang inihanda na sumasagot sa gawain at responsibilidad.

 

DISCUSSIONS

Ipinakita sa aksiyong pananaliksik na ito ang epektibong pamumuno ng SSG sa pananatili ng mga mag-aaral sa paaralan. Mula sa pagbaba ng liban ng mga mag-aaral ito ay isang magandang indikasiyon upang mapataas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paaralan. Masasabi din na malaki ang tungkulin ng SSG bilang kinatawan at tinig ng mga mag-aaral.

Published

2019-01-18