Epekto ng Proyektong A4P's (Agapayan, Palakasinat Pagbutihin ang Pagbasa at Pag-Unawa)sa Antas ng Pagbasa ng mga Batang Nasa Baitang 2at Baitang 3 ng Paaralang Elementary ng Tambo
Keywords:
epekto, Proyektong A4P's, antas ng pagbasaAbstract
INTRODUCTION
Ang pagbabasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at mga kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas ng pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nasusulat na simbolo. Ito ay isa ring paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga simbolong nakalimbag.Ang Paaralang Elemetarya ng Tambo na binubuo ng siyam na daan at dalawampu't walong (928) mga bata ay nataya sa pagkakaroon ng 34 na batang hindi nakababasa. 18 sa kanila ay mula sa Baitang 2 at 16 ay mula sa Baitang 3. Ito ay nangangahulugan na 15% sa Baitang 2 at 10 % sa Baitang 3 ang hindi nakababasa. Bukod pa dito, 37 bata mula sa Bailang 2 at 84 bata mula sa Baitang 3 ang nasa pagkabigong antas ng pagbasa. Ito ay mula sa resulta ng pagtataya ng Phil-IRI 2016 sa nasabing paaralan.
METHODS
Ang resulta ng paunang pagtataya at pangkatapusang pagtataya sa "Phil -IRI" ang pangunahing instrument sa pagkalap ng datos. Ang eksperimental na desenyo ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral na ito. Sumailalim dito ang paggamit ng assessment tool, frequency count at pagkuha ng bahagdan.
RESULTS
Ang resulta, matapos ang anim (6) na buwan na pag -iimplementa ng Proyektong A4P's ay labingwalong (18) mga bata sa Baitang 2 at labing -anim (16) na mga bata sa Baitang 3 na hindi nakakabasa noong buwan ng Hulyo ay nagkaroon nang malaking kaunlaran sa kanilang pagbasa at pag-unawa. Dalawa (2) sa mga batang nasa Baitang 2 ang kasalukuyang nasa Instraksyunal na Antas, 14 ang nasa Kabiguan, at may nananatiling dalawang (2) bata ang hindi pa rin nakakabasa. Limang bata sa Baitang 3 ang kasalukuyang nasa Instraksyunal na Antas at 11 ang nasa Kabiguang Antas ng pagbasa.
DISCUSSIONS
Kapansinpansin sa resulta ng pag-aaral na lahat ng stratehiya ay nagpapakita ng lubos na makabuluhang relasyon ang antas ng pagbasa ng mga bata at ang estratehiyang kalendaryo ng pagbasa kung kaya nagkaroon ng desisyon na tanggihan ang "null hypothesis".Ito ay kauganay sa pag-aaral na ginawa ni Sabado (2012) na nagpapahayag na ang follow-up sa bahay at remedial para sa mga apektadong mag-aaral ay nakakatulong upang maiangat ang kanilang marka. Ito ay isang patunay na ang pakikipagtulungan ng mga magulang sa mga guro upang mapabasa ang mga bata ay may lubos na makabuluhang relasyon sa pag-unlad ng antas ng pagbasa ng mga bata.