Epekto ng Neolohismo sa Akademikong Pagganap
Keywords:
Neolohismo, akademikong pagtanggapAbstract
INTRODUCTION
Bilang tao, ang bawat isa ay may kakayahang makapag-isip at makapagbahagi ng kaniyang nararamdaman gamit ang wika. Sa kasalukuyang panahon, na moderno na ang henerasyon, nagiging normal na ang paggamit ng neolohismo. Ito ay tumutukoysa makabagong termino, salita o parirala na maaring gamitin sa pangkaraniwang usapan, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang araw-araw na gamit ng wika. Ang pangunahing layunin ng mananaliksik ay malaman kung ang neolohismo sa pagtuturo at pagkatuto aymakakatulong sa akademikong pag-ganap sa mga mag-aaral ng Calamba Integrated School sa taong 2018-2019.
METHODS
Gumamit ang mananalliksik ng disenyong kwaliteytib na nauukol sa pagsusuring pandiskurso sa mga mag-aaral na pagtutuunan ng sapat na oras ng pag-aaral na ito upang makuha ang kinakailangang datos sa pananaliksik sa piling mag-aaral. Ginamitan ng pakikipanayam sa mga mag-aaral na madalas gumamit ng neolohismong salita sa Calamba Integrated School, at gumamit ang mananaliksik ng "quota sampling"upang malimitahan ang dami ng bilang ng mag-aaral na magsisilbing kalahok na kung saan tatlumpung mag aaral sa iba’t ibang strand ng Senior high School ang sumagot sa interbiyu. Ang interbiyu ay binubuo ng tatlong tanong na tungkol sa neolohismo, upang makakalap ng mga impormasyon, maging organisado at malaman ang iba’t ibang klase/uri at pamamaraan sa paggamit ng neolohismo. Ang ginamit na metodolohiya ay akma sa pag-aaral ng mananaliksik upang makuha ang mga kinakailangang datos, at mga uri ng mga salitang neolohismo na ginagamit ng mga mag-aaral at mga guro sa pagtuturo at pagkatuto na makatutulong sa akademikong pag-ganap.
RESULTS
Ang lumabas na resulta sa panayam na isinagawa ukol sa kaugnayan ng neolohismo sa akademikong pag-ganap ay ang karamihan ngmga mag-aaral ay nagsasabi na lubos na nakakatulong ang salitang neolohismo sa pagtuturo at pagkatuto. Samantala, ang iba namang mag-aaral ay nagsasabi na hindi sila pabor sa paggamit ng salitang neolohismo sa kadahilanang hindi sila pamilyar sa mga salitang ito at para sa kanila ay hindi kaaya-aya ang pagamit ng salitang neolohismo. Sa kabuuan ng pananaliksik, marami ang sang-ayon na may kaugnayan sa akademikong pag-ganap ng mga mag-aaral ang neolohismo.
DISCUSSIONS
Ang resulta ay naglalarawan na dapat gamitin ang neolohismo sa mga silid-aralan upang mas maging interesado at maraming matutunan ang mga mag-aaral, kahit may iba na hindi nais ang mga salitang neolohismo. Sa kabuuan. marami ang sang-ayon kaya malugod lamang na dapat tangapin ang paggamit ng mga salitang neolohismo sa pagtuturo at pagkatuto para sa ikalilinang ng akademikong pag-ganap ng mga mag-aaral.