Epekto ng Multimedia sa Pagtuturo at Pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng mga Piling Mag-aaral sa Ikawalong Baitang ng Inosloban Marawoy Integrated National High School

Authors

  • Aileen Samson

Keywords:

Epektibo, Pagkatuto, Pagtuturo, Multimedia, Estratehiya

Abstract

INTRODUCTION

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang Epekto ng Multimedia sa Pagtuturo at Pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng mga Piling Mag-aaral sa Ikawalong Baitang ay binigyang pansin ng mananaliksik upang higit na matiyak kung gaano nga ba kaepektibo ang paggamit ng Multimedia sa pangkasalukuyang pagtuturo ng guro at pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa mga piling mag-aaral na nasa ikawalong baiting--kung saan lubos na mauunawaan ang kahalagahan nito sa nagbabagong anyo ng pag-aaral sa kasalukuyan.

 

METHODS

Minabuti ng mananaliksik na gamitin ang deskriptibo at analitik na pamamaraan kung saan isinagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng sarbey na talatanungan. Ang mga napiling kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga piling mag-aaral na nasa Ikawalong Baitang na nabibilang sa pangkat Anahaw at Cloverleaf na mula sa Inosloban-Marawoy Integrated National High School.

 

RESULTS

Tunay na nakaambag ng malaking pagbabago sa larangan ng pag-aaral ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro sa kasalukuyan ang epektibong paggamit ng Multimedia sa pang-araw-araw na pag-aaral. Ito rin ay nagbibigay ng malawak na oportunidad para sa paglinang ng pagkatuto ng mga mag-aaral, dahil sa higit na nagiging bukas ang kanilang kaisipan sa makabagong kaalaman dulot ng teknolohiya.

 

DISCUSSIONS

Napatunayan ng mananaliksik na may malaking papel na ginagampanan ang paggamit ng Multimedia sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral mula sa Ikawalong Baitang sa asignaturang Filipino. Mahalagang makaangkop sapangangailangan sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto ang mga mag-aaral upang higit nilang malinang ang kanilang mapanuring kaisipan / replektibo, kakayahang pangkomunikatibo at pag-unawa sa iba't ibang aralin upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. 

Published

2019-01-18