E-LOKOM: Maagap na Interbensyon sa Paglinang ng Kasanayan sa Pagsusunod-sunod ng Pangyayari Batay sa Kuwento

Authors

  • Julie Anne Vertudes
  • Nerlito Del Mundo

Keywords:

Interbensyon, E-LOKOM, adhikain, teknolohiya, lokal

Abstract

INTRODUCTION

Layunin ng pagsasaliksik na mapatunayan na ang paggamit ng E-LOKOM ay mabisang solusyon sa kahinaan ng mga mag-aaral na mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong binasa na nakapaloob sa Filipino IV hanggang VI ng Halang Banaybanay Elementary School, Taong Panuruan 2018-2019

 

METHODS

Upang higit na mapatunayan ang epektibong paggamit ng E-LOKOM sa pagsunod-sunod ang mga pangyayari batay sa binasang kuwento, ang mga mananaliksik ay gumamit ng Deskriptibo at Kwasi-eksperimental na uri ng pananaliksik. Deskriptibo sapagkat inilalarawan ng pananaliksik ang kasalukuyang kalagayan ng mag-aaral na may kahinaan sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari batay sa binasang kuwento gayundin ang pagsasagawa ng eksperimento kung ang mga nabanggit na mag-aaral ay magkakaroon ng mas mataas na pag-unawa sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwentong binasa gamit ang E-LOKOM. Kabilang sa pagsusuri ang 70 mag-aaral sa Baitang IV, 56 mag-aaral mula sa Baitang V, at 66 mag-aaral mulasa Baitang VI ng paaralan. Pinangkat ang mga mag-aaral sa dalawa sa bawat baitang. Ang unang pangkat ay sumailalim sa tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo (controlled group) at ang ikalawang pangkat ay sumailalim naman sa E-LOKOM (experimental group). Bago magsimula ang pagtuturo, sumailalim ang dalawang pangkat sa pretest. Binigyan naman ang mga mag aaral ng post-test pagkatapos ng pagtuturo.

 

RESULTS

Tumaas ng 0.63 ang naging karagdagang kaalaman ng mga mag-aaral na sumailalim sa pananaliksik mula sa Baitang IV. Mula naman sa mga mag-aaral ng Baitang V, tumaas ng 0.44 ang kaalamang natutunan sa paggamit ng E-LOKOM. May pag-angat naman na umabot sa 0.31 ang kaalaman ng mga mag-aaral mula sa Baitang VI ayon sa pagdulog gamit ang agarang interbensyon.

 

DISCUSSIONS

Nais patunayan ng pananaliksik na ito ang kaugnayan ng wastong paggamit ng teknolohiya at ang pagpapahalaga sa ating wika lalong higit sa pagpapataas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa kuwentong binasa sa Filipino. Imunumungkahi ng mga nagsaliksik na magkaroon ng seminar-wokshap sa bawat distrito, dibisyon, rehiyon at maging sa pambansang antas ang mga guro sa paghahanda ng E-LOKOM. Ninanais din ng mga mananaliksik na maisagawa ang workplan sa Filipino sa bawatpaaralan. Adhikain ng mga mananaliksik na magamit ang pagsusuring ito sa mas maraming bilang ng mag aaral, maging ang gamit nito sa Inclusive Education kung saan magagamit ito ng mga Hearing Impaired at ng mga Visually Impaired na mag-aaral. 

Published

2019-01-18