Pagsulat Linangin Unahin Motibasyon Aangat Ang Sulatin (Pluma): Sagot Sa Pagbasa at Pagsulat
Keywords:
PAGSULAT, MOTIBASYON, LINANGIN,Abstract
INTRODUCTION
Sa kasakaluyang panahon tila nawawaglit ang pag aaral sa kakayahan nang mga mag-aaral sa larangan nang pagsulat. Nakita nang mananaliksik na ang mga mag-aaral sa antas 12 sa seksyon Fahrenheit ay may suliranin sa pagsulat lalo na sapag buo nang kaugnay na kaisipan at pag papahayag sa pamamaraan nang pag sulat. Ganoon din ang kawalaan nang kawilihan ng mga mag-aaral sapag sulat ay masasalamin na syang nag bukas sa mga mananaliksik na isulong ang PLUMA sa mga nasabing mag-aaral.
METHODS
Ang pananaliksik na ito ay dektriptibo. Gumamit ang mananaliksik ng pinagsamang kwalitatibo at kwantitatibong desenyo o tinatawag na mix method. Ito ang pinaka angkop na desenyo na nararapat gamitin upang mapadali ang pagkalap ng mga datos.
RESULTS
Sa Pre-test nagtala ng 19.20 ang mean ng mga kalahok nang pananaliksik na may 38.40% na MPS na kung saan ito ay maituturing na mababang pursyento. S kabilang banda, pagkatapos maibahagi ang motibasyon sap ag papanood ng Sisimulan ko, Ipagpapatuloy mo (Video Clip) at Ooops! Teka lang (Patalastas), Ipokus mo (Larawan), pagkakaroon nang kalog utak (Brainstorming) at pag bibigay ng mga FilipinoKNOW (Trivia) at tumaas ng% o 60.33% ang MPS at Mean na 30.16 ay nangangahulugan nagging epektibo ang mga motibasyong ginamit upang mas lalong manghikayat ang mga mag-aaral sa pagsulat.
DISCUSSIONS
Ang mga kalahok ay pinili mula sa 30 kalahok sa Baitang 12, seksyon Fahrenheit. Ginamit ang random sampling sa pag pili ng mga kalahok batay sa resulta nang kanilang report card o form 138 nung sila ay nasa Baitang 11. Bukod ditto kinuha din ang marka sa asignaturang Pagbasa at pag susuri na may kabuuang 80%.
Ginagamit sa pananaliksik ang PLUMA bilang instrumento sa pag-aaral. Naglalayon itong makabuo ng kaugnay na kaisipan at pag papahayag sa pamamaraang pagsulat upang mapaunlad ang pagsulat ng mga mag-aaral batay sa iba't ibang motibasyon nakapaloob sa PLUMA tulad ng-Sisimulan ko, Ipagpapatuloy mo (Video Clip) at Ooops! Teka lang (Patalastas), Ipokus mo (Larawan), pagkakaroon nang kalog utak (Brainstorming) at pag bibigay ng mga FilipinoKNOW (Trivia). Sa pamamaraang ito, mabibigyan ng kasagutan ang mga suliranin ng pag-aaral.