Pagpapaunlad Ng Marka Sa Asignaturang Filipino Ng Mga Mahihinang Mag-Aaral Sa G10 Gamit Ang "Classroom-Based Assessment Protocol"

Authors

  • Rosana Tuiroc

Keywords:

Abstract

INTRODUCTION

Ang layunin ng interbensyong programa ng DepEd Cavite -base sa ebalwasyon na kilala sa tawag na "SBM Project 555" -LOA ay kinapapalooban ng limang sangay: English, Filipino, Mathematics, Science at Araling Panlipunan, ang paaralang Bagbag National High School ay naglalayong mabago ang pananaw ng mga mag-aaral sa pag-aaral sa limang sangay na ito. Ang resulta ng programang ito ay magiging basehan ng kanilang ebalwasyon.

METHODS

Ang ideya at disenyo ng pananaliksik ay hinango mula sa Anderson at Krathwohl (Revised Blooms Taxonomy) na ginagamitan ng "HOTS questions". Saisang araw ang Grade 10 St. Dominic ay binibigyan ng isang tanong na naaayon sa layunin, ito ay gagawin ng apat (4 days) na araw at ang pang limang araw (5th Day) ang pangkat ay bibigyan ng 10 tanong na may pagpipilian. Ang unang markahan ang magiging basehan sa pagpili ng pangkat na bibigyan ng interbensyon para sa proyekto. Inaasahan na ang pitumpu't limang porsyento (75%) ng MPS (MEAN PERCENTAGE SCORE) ay makakamit ng pangkat para sa angkop na kaalaman.

RESULTS

Ang mga nakalap na impormasyon ay inanalisa at ikinumpara gamit ang "mean, standard deviation, mean percentage score at t-test". Ang resulta ng pauna (pre-test) at panghuling (post-test) pagsusulit ay may kabuluhan. Dagdag pa rito, ang resulta ng ikalawang markahang pagsusulit sa limang sangay ay makatutulong sa pagbibigay kabuluhan sa pag-aaral nito.

DISCUSSIONS

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pangkat (section) na may mababang resulta ng pagsusulit o LOA (Learning Outcome Assessment) batay sa resulta o limang asignaturang nabanggit. Gamit ang MPS (Mean Percentage Score) bilang basehan ng kanilang antas.Ang paraang isinagawa ay naging mabisa at epektibo sa pag-aanalisa ng resulta mula sa mga naibigay na pagsusulit. Isang makabuluhang tanong (one CPD Question) kada araw at sampung tanong na may pagpipilian kada linggo.

Published

2019-01-18