Pagbuo Ng Modyul Sa Pagtuturo Sa Filipino 7
Keywords:
Modyul, Pagtuturo, Pagkatuto, Kagamitang pampagtuturo, FilipinoAbstract
INTRODUCTION
Ang paglinang ng kagamitang pampagtuturo ay nakatutulong upang mapadali ang gawain sa patuturo-pagkatuto ng mga mag-aaral. Kabilang na sa mga kagamitang pampagtuturo ay ang modyul. Subalit hindi pa rin natugunan ng gobyerno ang mga kakulangan sa batayang pangangailangan sa edukasyon na nagsisilbing pahirap sa mga guro at mga mag-aaral. Bilang tugon sa mga pangangailangan, ang mananaliksik ay naglalayong makabuo ng modyul sa Filipino 7 sa ikalawang markahan upang higit na makatulong sa pag-unlad ng mga kasanayan.
METHODS
Ang pag-aaral ay nakabatay sa ADDIE Model sa pagbuo ng modyul at ang mga naging respondente ay mga mag-aaral sa Filipino 7, mga guro na nagtuturo ng higit sa dalawang seksiyon na heterogenous at mga eksperto. Simple random sampling ang pagpili ng mga mag-aaral, samantala complete enumeration naman ang pagpili ng mga respondenteng guro at purposive sampling naman sa pagpili ng eksperto para sa balidasyon ng modyul. Ginamit ang talatanungan, silabus at talatanungan sa pagtataya. Ang disenyong ginamit sa pananaliksik ay ang kwalitatibo, diskriptibo at eksperimental.
RESULTS
Mayroong pitong paksa sa Filipino 7 sa ikalawang markahan at ang binuong modyul ay nilapatan ng mga makabagong teknolohiya ay nakatutulong sa pag-angat ng kaalaman ng isang bata. Ang antas ng kaankupan ng modyul sa pagtuturo-pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino 7 ay sobrang-sang-ayon ayon sa kabuuang mean nito. Walang kaugnayang pagkakaiba ang persepsiyon ng mga mag-aaral, guro at eksperto ayon sa layunin, nilalaman, organisasyon at talakayan sa bawat paksa ng modyul sa pagkat ang P-Value ng bawatdiskripsiyon ay mababa sa 0.551. Parehong tumaas ang iskor ng post-test sa eksperimental kaysa kombensyunal. Mayroong mahalagang pagkakaiba ng iskor sa pre-test at post-test ng mga mag-aaral batay sa kombensyunal at eksperimental na ginamitan ng pinagbagong modyul.
DISCUSSIONS
Batay sa naging resulta ng pag-aaral, ang pagtuklas ng mga paksa ay kinakailangan upang maging batayan sa pagbuo ng modyul. Ang pagbuo ng modyul ay higit na nakatutulong upang mapagaan ang pagtuturo-pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang paglalapat ng makabagong teknolohiya sa modyul ay nakatutulong sa pag-unlad ng kaalaman ng mga mag-aaral.