Pabingo: Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Abakada
Keywords:
Tradisyunal, Pa-BingoAbstract
INTRODUCTION
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabatid kung paano nakatulong ang paggamit ng Pa-Bingo bilang epektibong kagamitang pampagtuturo ng ABAKADA sa Baitang I ng Paaralan ng Halang Banaybanay.
METHODS
Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptib at eksperimental na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang disenyo ng pag-aaral na susuri at susukat sa mga datos na sasagot sa mga katanungan. Nagbibigay ito ng mga impormasyon, at sa pamamagitan ng impormasyong nakuha mula dito, nagkakaroon ng mga solusyon ang mga katanungan o suliranin tungkol sa epektibong pamamaraan ng estratehiya sa pagtuturo ng ABAKADA sa Baitang I ng Paaralan ng Halang Banaybanay.
RESULTS
Lumalabas na may kaugnayan ang pagkatuto ng mag-aaral batay sa kagamitang pampagtuturo. Malaki ang naitulong ng Pa-Bingo sa mag-aaral para lubos na maunawaan ang ABAKADA.
DISCUSSIONS
Lumalabas na may kaugnayan ang pagkatuto ng mag-aaral batay sa kagamitang pampagtuturo. Malaki ang naitulong ng Pa-Bingo sa mag-aaral para lubos na maunawaan ang ABAKADA