Ortograpiyang Pambansa: Pagpapayaman Ng Kakayahan Sa Pagbaybay Ng Mga Mag-Aaral Sa Baitang 6 Sa Rosario West Central School

Authors

  • April Buendia

Keywords:

Ortograpiyang Pambansa, Pagbaybay, Wikang Pambansa

Abstract

INTRODUCTION

Ang Komisyon ng Wikang Filipino ay masusing pinag-aralan ang mga nagdaang ortograpiyang Pilipino na may layunin na mailahok ang mahahalagang kaakuhan ng mga katutubong wikatungo sa estandardisadong ortograpiyang Filipino na maaring gamitin sa lahat ng wika sa Pilipinas lalo't higit sa kasalukuyang ipinatutupad sa paaralan. Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga tuntunin kung paano sumulat gamit ang wikang Filipino. Hinango ang mga tuntunin sa mga umiiral na kalakaran sa paggamit ng Wikang Pambansa, bukod sa mga napagkasunduang mga tuntunin, bunga ng mga forum at konsultasyon, hinggil sa mga kontrobersyal na usapin sa pagbaybay.

METHODS

Ang deskriptiv na disenyo ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral na ito kung saan inalam ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbaybay sa pamamagitan ng pre-test at nakuha ang frequency at bahagdan. Sa tulong ng mga programang interbensyon sa pagbaybay ay muling susukatin ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng post-test.

RESULTS

Batay sa ginawang pag-aaral gamit ang mga programang interbensyon tulad ng paglalapat ay nakatulong upang mahasa ang kasanayan sa pagbaybay ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang. Habang, nakadagdag tulong din ang biswal na lathala upang patibayin ang mga tuntunin sa pagbaybay. Nabawasan o nawala ang mga mag-aaral na hindi makapagbabaybay ng wasto lalo't higit kung pasisimulaan ang paglalapat ng Ortograpiyang Pambansa sa unang araw pa lamang ng taong panuruan. Kinakailangan ng karagdagang interbensyon sa pagbaybay upang mapataas pa ang kalidad ng kaalaman ng mga bata sa pagbaybay.Dahil sa pag-aaral na ito, kinakailangang ang mga gurong tagapayo sa asignaturang Filipino ang siyang magtuturo ng Ortograpiyang Filipino. Malaki ang maitutulong sa mga bata kung sa simula pa lamang ay alam na nila ang tamang tuntunin sa pagbaybay.

DISCUSSIONS

Sa kabila ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya, kaalinsabay nadito ang mga pamamaraan para sa mabilis na komunikasyon ay nagkakaroon na ng pagsasakripisyo pati ang pagbaybay ng mga salita sa wikang Filipino. Ito ay nangangailangan ng matibay at napapanahong pamamaraan upang maibalik sa bawat mag-aaral ang pangunahing kakayahan sa pagbaybay nang sa gayon ay magkaroon ng matibay na kaalaman sa ating sariling wika. Ang tamang pagsulat ng baybay ng bawat salita ay daan upang makabuo ng isang wastong pangungusap na gagamitin sa pagdibuho ng talata at kalaunan nang isang kwento gamit ang wikang atin.

Published

2019-01-18